Ang pag-aartista ay isang dream job para sa karamihan, hanggat may project, tuloy-tuloy ang kita. Pero sa totoo lang, hindi madali ang bagay na ito. Para itong edukasyon na isa sa mga pinakamahalagang salik ng tagumpay. Dahil ginagamit nito ang kaalaman at karanasan para makilala at magamit ang oportunidad bilang parte ng pagbabago at pag-unlad.

Ngunit, may mga nagsasabi din na ang antas ng edukasyon ng isang artista ay walang direktang epekto sa tagumpay nila sa showbiz, dahil sa mundo ng showbiz hindi masyadong binibigyang halaga ang antas ng edukasyon na narating ng isang artista, ang mahalaga nakakapagpapasiya sila ng tao sa pamamagitan ng pag-arte/akto.

Mas nakakabuting kung makakakalap ng mas madaming datos na galing sa mga beteranong artista upang makakuha sila ng mas mahusay na tugon ukol sa paksa at maaari rin na paghambingin para maipakita ng husto ang kaibahan ng mga artista sa isa’t-isa.

Samantala, ating kilalanin ag mga Aktres na nakapag asawa na ngayon ng mayayaman o may kaya sa buhay.

Assunta de Rossi

photo via google

Isang Filipina-Italian na aktres at pamilyar naman saatin ang kanyang mas nakakabatang kapatid na isa ding aktres na si Alessandra De Rossi. Ang mga ito ay parehong nakamit ang award na ‘Best Actress award’ sa (MMFF) Metro Manila Film Festival sa bansa.

Naging asawa ng aktres na si Assunta de Rossi ang isang mayamang businessman at politician. Ikinasal siya kay dating Negros Occidental congressman na si Jules Ledesma noong 2004.

Ayon sa isang report, ang net worth ‘di umano ni Ledesma noong congressman pa siya ay umabot ng lagpas sa isang bilyong piso. Kaya naman hindi na kata-taka pa na nagmamay-ari sila ng iba’t-ibang mga mamahaling sasakyan.

Gretchen Barreto

Isang  Filipina na aktres ipinanganak siya noong Marso 06, 0970. Mas nakilala ang aktres noong dekada 80’s nang ini-launched ang isa sa pinakabago noon na “Regal Babies” kasama niya dito ang dating child aktres noon na si Janice de Belen.

Ang long-time partner naman ng aktres na si Gretchen Barreto ay ang mayamang businessman na si Tonyboy Cojuangco. Ayon sa isang report, hindi pwedeng pakasalan ni Tonyboy si Gretchen dahil hindi pa annulled ang kasal nito sa kanyang dating asawa.

Galing sa mayaman at makapangyarihang angkan ang mga Cojuangco si Tonyboy. Siya din ay isang Presidente, Chairman, at Direktor ng humigit labing-anim na malalaking kumpanya dito sa Pilipinas.

Pauleen Luna

photo via google

Isang Filipina aktres at television personality. Siya din ngayon ay isang regular na hosts sa longest-running Philippines variety show na Eat Bulaga! Sa GMA Network. Kilala si Pauleen sa industriya bilang childwoman character “Baby Poleng”.

Ang TV host-aktres na si Pauleen Luna ay napangasawa ang kanyang Eat Bulaga! Co-host na si Vic Sotto. Ikinasal sina Pauleen at Vic sa isang engrandeng church wedding sa Alabang, Muntinlupa noong 2016.

Si Vic Sotto ay itinuturing na isa sa mga pinaka-mayamang artista dito sa Pilipinas ngayon. At noong 2017 nga, ay isinilang ni Pauleen ang kanilang panganay na anak na si Baby Talitha. Marami naman sa mga Netizens dito ang natuwa at nag-congratulate sa kanilang dalawa.

Marie Rachel Salman Taleon

photo via google

Isang Filipina film-television aktres, host at commercial model. Pero kilala siya sa industriya bilang si “Dawn Zulueta”.

Samantala, ikinasal naman ang sikat na aktres na si Dawn Zulueta kay Anton Lagdameo Jr. noong 1997.

Si Lagdameo Jr. ay isang mayamang negosyante ng banana plantation dito sa Davao del Norte (Tadeco Farm) at siya din ay isang dating Politiko sa bansa. Siya din ay dating nagtatrabaho sa mga malalaking kumpanya sa United Kingdom.

Samantala, nagkaroon naman ng dalawang anak sina Dawn Zulueta at Anton Lagdameo Jr. sa lagpas dalawang dekada nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Julia Clarete

photo via google

Isang Filipina singer, aktres, television host at performer.  Siya din ay kilala bilang co-host ng Eat Bulaga!, ang longest-running noontime TV show sa Pilipinas.

Ngunit, Ang ating dabarkads na si Clarete ay nagbitiw na bilang co-host sa Eat Bulaga! at gusto mamuhay ngayon bilang isang businesswoman kasama niya ngayon ang kanyang asawang  Irish national na si Gareth McGeown.

Si Gareth ay isang President at CEO ng Coca-cola Philippines, Malaysia, Singapore at Brunei. Ikinasal sila noong 2017 sa isang private wedding sa bansang Ireland.

Source: Oh My Chika / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here