Si Robin Padilla ay binansagang “The Badboy of Philippines Movies”, maliban sa kilala siya bilang sikat na aktor ay kilala din siya na matinik pagdating sa mga chiks. Base sa mga listahan ng mga nakarelasyon niya noon ay masasabi na madaming babae ang nahulog sa kagwapohan ni Robin.

photo via google

Samantala, narito ang ilan sa mga babaeng napabalitang naging asawa, karelasyon ka-date, na-link kay Robin Padilla.

Jobelle Salvador

photo via google

Nagkakilala sina Jobelle at Robin noon sa set ng Indie Film na ‘Carnap King’ noong 1989. Dito nagsimula ang kanilang love affair na napabalita na nagbunga ng isang anak Jeremiah Leroy Salvador.

Nagtrabaho si Jobelle sa Japan noon, pero noong 2011 ay inamin ni Jobelle na hindi si Robin ang totoong ama ng anak niya. Nakabase ngayon sa Amerika ang anak ni Jobelle at huling napanood ang aktres sa teleseryeng ‘The Killer Bride’.

Leah Orosa

photo via google

Dating nagtambal si Leah at Robin sa pelikulang ‘Sa Diyos lang Ako Susuko’ ng Viva Films at nagka-developan si Robin at ang mistisang model. Ayon sa report, nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Camille na nakatira ngayon sa ibang bansa.

Ikinasal si Leah pero divorse din sila kalaunan ng kanyang napangasawa after 20 years. Sa ngayon, may anim na siyang anak at nakabase siya sa Amerika.

Dolly Anne Carvajal

Ginulat noon ni Dolly Anne ang publiko ng inamin niyang naging sila ni Robin Padilla, hindi naman nagsalita ang aktor tungkol sa isyu.

Pero, nang tinanong si Dolly kung ano ang pakiramdam na maging karelasyon ni Robin ay sinagot niya ng “Kailangan pa bang itanong ‘yan? Marami namang karelasyon niya ang nagsasabi ng sinabi ko. Tinatrato kang reyna, iyon ‘yon.” At bilang isang lover ay walang kapagoran daw si Robin.

Kris Aquino

Ang ina ni Dolly Anne Carvajal na si Inday Badiday ang nagpakilala kay Kris kay Robin. Naging makulay ang kanilang relasyon at ayon kay Robin ay crush na crush niya talaga si Kris noon.

Naging kontrobersyal ang kanilang love affair noon dahil napabalita na ayaw ni Dating President Cory Aquino kay Robin Padilla para sa kanyang anak. Ayon pa sa aktor ay hindi niya makakalimutan kung paano ipinaglaban ni Kris ang kanilang pagmamahalan noon.

Pero, di nagtagal ay nagkahiwalay din silang dalawa, ayon kay Robin ang paggamit ng bawal na gamot noon ay isa sa mga naging dahilan kung bakit nagtapos ang kanilang relasyon. Aniya, “Ako ang may kasalanan noon. Adik ako nun. Hindi ko na value ang ginagawa niya (Kris). Nung tapos na, saka ko na-value. Ako ang may diprensiya.”

Sharon Cuneta

photo via google

Nagka-inlaban sina Sharon at Robin noon sa set ng pelikulang ‘Maging Sino Ka Man’ noong 1991. Napabalitang super inlove ang aktor noon at crush na niya ito bago paman sila nagkasama sa pelikula.

Madami ang nangyari sa kanilang pagsasama noon at dumating sa point na muntik na ding magpakasal si Sharon Cuneta kay Robin Padilla. Pero ng nalaman niyang nakabuntis sa ibang babae ang aktor. Noong mga panahong iyon ay nabuntis ni Robin si Liezl Sicangco.

Ayon kay Sharon, “Robin had already asked my Dad for my hand in marriage and my whole Gamboa (mom’s side) clan had already had a welcome to the family dinner for him. That was true, true love. But naughty my baby then eh.

Gusto niya din si Robin He didn’t trust Richard. My mom loved everyone.”

Liezl Sicangco

photo via google

Nagka-ibigan sina Robin at Liezl noong kabataan pa nila kahit bago pa si Robin gumawa ng mga pelikula. Matatandaang nakulong si Robin noon at habang nasa bilangoan ito ay nagpa-convert sa Islam si Liezl.

Ikinasal sila noong 1996 at noong 1998 ay lumaya si Robin dahil sa pargon ni Dating President Fidel B. Ramos.  Pero, noong 2009 ay biglang nagulantang ang lahat sa pag-amin ni Robin na nag-divorse na sila Leizl, 2007 palang. Nakabase na ngayon sa Australia si Leizl at may apat na anak sila ni Robin sina Queenie, Kylie, Jen-jen at Ally.

Vina Morales

Naging napaka sensational ang love story nina Robin at Vina nagkakilala sila noon nang ginawa nila ang pelikulang ‘Miss Na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2’. Ayon sa aktres, ay talagang nabaliw siya kay Robin noon.

Noong mga panahon na ‘yon ay ang kasikatan ni Robin at halos lahat ng mga leading ladies ni Robin ay halos naiilove sakanya. Samantala, nagkaroon daw nga mga problema si Vina Morales noon sa pamilya dahil kay Robin. Sa 18th birthday pa nga noon ni Vina ay walang nagawa daddy at mommy niya dahil sa imbes na iba ang kanyang escort ay hindi siya tinantanan ni Robin kaya ito ay naging escort niya sa kanyang 18th birthday.

Mariel Rodriguez

photo via google

Si Mariel ang huling babae na minahal ng husto ni Robin, ‘di alintana sa kanila ang 17 years gap ng edad nagkakilala sila noon sa set ng ABS-CBN’s noontime show na ‘Wowowee’.

Ayon sa kuwento ni Mariel, “Noong time na ‘yun, ang alam namin two weeks lang si Robin [na co-host]. We really wanted him to stay kasi nakita namin na perfect siyang host dahil tanggap siya ng tao at genuine siya sa ginagawa niya. So it is true that every day, I wrote him a letter to stay pero hindi ko sinasabi kung sino ako. Dinikit ko sa dressing room niya para ma-feel niya kung gaano sia ka-welcome sa amin.”

“Ang sabi [sa akin], huwag daw tumingin sa mata. Eh si Robin, kung ano-ano ang mga pinagbububulong tulad ng ‘Ang bango mo naman.’ Habang nagtratrabaho  ‘yun, habang may contestant. So si Mariel naman siyempre, kinikilig din ‘di ba?’

Judy Ann Santos

photo via google

Napabalitang nag date sila ni Robin, kahit loveteam  na nuon sila Ryan at Juday . Mga usap-usapan din na kasal sa isang muslim wedding sila Judy Ann at Robin, natawag pa nuon ng “Third party si juday ng mag-divorce sina Lizel at Robin.”  Pero di-deny ito ng ina ni Juddy Ann na si mommy Carol at sa interview ni Juday sa ‘The buzz’ ay di-deny rin ni Juday na may relasyon sila ni Robin.  Pero inamin ni Judy Ann na binantayan niya noon si Robin sa hospital ng ma-confine ito. ‘aniya.’

‘We are friends, so what’s wrong with that? Mamamatay na ‘yung tao, hindi mo pa ba babantayan? Between helping a fried and generating a rumor, I’d rather help a friend.”  At sa pagtatapos ng kanyang interview ay sinabi ni Judy Ann na “Robin is a family man and people should stop the tsismis. I don’t want to break a family. I come from a broken family so I won’t ever break one.”

Jolina Magdangal

photo via google

Sa isang interview noon ni Ruffa Gutierrez  sa kanyang buhay ay ibinuking niyang niligawan noon ni Robin kay Jolina Magdangal . Nang tinanong si Jolina noon sa kanyang interview kung niligawan ba siya noon ni Robin? ‘aniya’ “Hindi ko alam kung nanligaw siya, Pero ganun ang style niya sa mga nililigawan niya, Baka nga nanliligaw siya. Sweet siya. Noong edad ko na yun, noon lang ng time na yun na merong naging ganun ka-sweet. Siyempre, magkaka-crush ka sa ganun. Crush lang. Pero talagang naninimbang sa akin yun.

Normal ba ‘to? Na meron ba talagang ganitong tao na ganun ka-sweet? Na hindi ka puwedeng pumulot ng nalaglag na papel, dapat siya ang pupulot? At hindi ka puwedeng mag-CR sa public CR na hindi aapuyan? Tapos nalaman niyang sa pila (Laguna) ako nagte-taping, meron pa akong dalawang bodyguards!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here