We all known that marami saating mga pinoy/pinay celebrities sa bansa ang nakaka-developan dahil sa kanilang pagtatambal as a couple loveteam. Minsan nangyayari din ito sa totoong buhay as a normal person kagaya nalang sa pinagtatrabahoan natin sa office, schools, at iba pa.

Love knows no bounds pati sa age. Kilalanin ang celebrities na may May-December love affair na isang pag-iibigan ng dalawang  tao na may malaking deperensya sa kanilang edad.

Kahit sa mundo ng showbiz ay may mga relasyon din na katulad nito, kontrobersyal man para sa iba at hindi man lahat ng ito ay nauwi sa happy ending, mayroong iba naman ang naging matagumpay ang kanilang pagsasama at nauwi sa kasalan.

Samantala, ating kilalanin at alamin ang nasa mundo ng showbiz industry na mga celebrity couples na may malaking age gap.

Billy Crawford (1982) and Coleen Garcia (1992)

Nang maghiwalay noon si Billy Crawford sa kanyang girlfriend na si Nikki Hill ay maraming mga netizens ang nagsasabi na si Coleen Garcia ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at ngayon ay mas matindi ang chismis sa social media ng magkatuluyan sina Billy at Coleen.

Pero naging matatag silang dalawa sa kabila ng kontrobersyal at nahantong na nga sa kasalan ang kanilang pagsasama noong 2018. Ang age gap nila ay 10 years.

Derek Ramsay (1976) and Christine Reyes (1989)

Isang taon matapos ang kanilang pagsasama noon sa pelikula na No Other Woman ay ginulat nila ang lahat ng mga tagahanga nila nang ibinunyag na magkarelasyon silang dalawa. Pero ang mas nakakagulat sa lahat ay ‘di manlang umabot ng isang buwan ang kanilang relasyon.

Ayon sa isang source, ay ‘di umano si Derek Ramsay ang unang nakipaghiwalay kay Christine Reyes. Pero hindi ito kinumpirma ng dalawa. Ang kanilang age gap ay 13 years.

Sa ngayon ang kasalukuyang karelasyon ng kapuso hunk actor ay si Andrea Torres na may edad 30 (1990) taong gulang.

Robin Padilla (1969) and Mariel Rodriguez (1984)

Napaka-ganda din ang nangyari sa kanilang pagsasama ngayon. Nakilala ni Robin si Mariel nang maging guest ito sa programang Wowowee noon.

Taong 2010 nang idineklara ni Robin ang pag-ibig niya kay Mariel kasama ang kanyang diamond rin na nagkakahalaga ‘di umano ng 1.2 million pesos. At nung tao din iyon ay ikinasal silang dalawa. Sa ngayon, ay mahigit 10-years na silang magsasama at may dalawa na silang anak. Ang kanilang age gap ay 15 years.

Vic Sotto (1954) and Pauleen Luna (1988)

Kasing edad lang ng bunsong anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto. Ayon sa isang report, una silang nagkakilala noong 1995 nang sumali si Pauleen Luna sa ‘Little Miss Philippines’.

Bago si Pauleen ay nakarelasyon din ni Vic si Pia Guanio ng limang taon 19-years naman ang age gap nila. Samantalang kay Pauleen Luna ay 34-years age gap.

Hayden Kho (1980) and Dra. Vicki Belo (1956)

Ang dating kontrobersyal na si Hayden Kho at Dra. Vicki Belo halos malaki din ang kanilang age gap ngunit kalaunan naging maayos naman ang kanilang pag-sasama at nagkaroon pa sila ng matalino at bibong anak na si Scarlet Snow.

Chiz Escudero (1969) and Heart Evangelista (1985)

Hindi rin naging madali ang love story ng mag-asawang Heart at Chiz kung saan marami din ang tumutol sa kanilang pagmamahalan ngunit matapos nilang magpakasal unti-unti na rin naayos ang gusot sa kani-kanilang pamilya.

Catriona Gray (1994) and Sam Milby (1984)

Ang ilang pa sa kanila ay sina Catriona Gray at Sam Milby na halos may sampung taon pagitan ng edad. Napabalitang kamakailan lamang ay umamin ang dalawa sa kanilang relasyon na matagal na rin inilihim.

Ikaw, sa iyong opinyon, sang-ayon ka ba sa mga relasyon na may malalaking age gap?

{Source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here