Isa sa mga tumatak sa mundo ng politika kamakilan lang ay ang abogadong si Atty. Lorenzo Gadon o may sumikat bilang Atty. Larry Gadon. Sumikat sya dahil sa salitang “Bobo” na kanyang bigkasin kapag may mga taong hindi nito sinasang ayunan ang opinion at sa tingin nya ay mali. Sya mismo ay may slogan na “Hindi tayo bobo”.

Maaalalang naging kandidato sa pagka senador ang abodago ngunit hindi pinalad na manalo. Siya ay isa sa mga nag file ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na napaalis sa pwesto noong 2018.

Ilan sa mga agenda ni Atty.Gadon ang mga concerns sa enerhiya, elektisidad, at food security. Layon nito na magkaroon ng mababang presyo at singil sa kuryente, magkaroon ng state-owned energy sources, erebisa ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law, at gustong maging mas epektibo at maayos ang food security sa bansa.

Samantala, nagretiro na si Atty. Larry at sa likod ng kanyang pagreretiro ang suporta ng kanyang anak. Nais umano ng anak na si Alarice De Leon Gadon, na magpahinga na ang kanyang ama at sya na naman ang magsesrbisyo.

Kapansin-pansin ang magandang personalidad ni Alarice pati na rin ang kanyang magandang mukha. Unti-unti ay nagkakaroon na rin sya ng atensyon mula sa publiko. Mapapansin sa mga larawan sa social media na mahilig itong pumunta ng beach, at pati na rin sap ag-aalaga ng aso.

Kamakailan lang ay nagbigay naman ito ng napakagandang mensahe para sa kaarawan ng kanyang ama. “Maipagmamalaki ko din na he’s the type of man na hindi humihingi ng kapalit. Sa katunayan nyan, sa dami ng natulungan ng papa ko, hindi siya yumaman sa pera”, wika ni Alarice sa kanyang post.

“Yumaman sya sa kaibigan. Hindi din siya plastic, matalas man minsan ang dila nya, pero it’s because he’s very passionate with the things he really believes in,” dagdag pa nito.

Ayon pa mismo sa anak, si Atty Larry ay ang tipo ng taong isusubo nalang ay ibibigay pa sa iba, dahil ganun sya kabuti at mapagmahal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here