Kapag patawa at komedya ang pag-uusapan, hindi-hindi makakalimutan si Ai-Ai Delas Alas. Sumikat ito noong taong 90s at maraming naging proyekto na kadalasan ay comedy kaya’t naging isa sya sa mga all-time favorite na comedian ng mga pinoy.

Si Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan, na mas kilala natin bilang si Ai-Ai ay nagkaroon ng blockbuster hit noong 2003 sa kanyang pelikulang “Ang Tanging Ina”. Naging popular ang pelikula at ginawan ng sequel at pinamagatang “Ang Tanging Ina N’yong Lahat” noong 2008, at  Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!) nong 2010.

Sa kabila ng pagiging artista at komedyante ay isa ngang mabuti at modelong ina itong si Ai-Ai sa kanyang anak na si Sophia. Si Sophia ay unica hija ng aktres kaya’t mahal na mahal nya ito. Naman nga daw umano ng anak ang pagiging masipag at dedikado sa kanyang career.

Ang napakagandang si Sophia ay unti-unti naring nakikilala dahil sa angking galing at pisikal na kagandahan na hindi malabong sisikat sa industriya ng showbiz. Ngunit ayon kay Ai-Ai ay ayaw sana nitong pasukin ng anak ang showbiz dahil narin sa mawawalan ito ng simple at pribadong buhay na nais ng isang ina sa anak.

“She really wants to act, but she doesn’t like her privacy to be invaded. She still needs to learn how to compromise”, banggit ni Ai-Ai.

Si Sophia ay anak ng aktres kay Miguel Vera. Ito ay nag-ara ng Senior High School sa US ngunit mas pinili nitong mag aral ng kolehiyo sa bansa, kaya’t nag enrol ito sa De La Salle University.

Ayon kay Sophia, nais talaga nitong sundan ang yapak ng ina sa pag-aartista. Hindi lamang sa komedya kundi pati narin sa galing nito sa drama. Hindi nga maikakaila na naging proud ito sa galing ng kanyang ina. Kaya’t anuman ang kanyang magiging desisyon ay suportado parin ito ni Ai-Ai, at handa itong umagapay sa kanya dahil sya lang ang unica hija nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here