Naalala nyo pa ba ang napaka gwapong artistang si Wendell Ramos? Siya ay nagsimula ng kanyang career sa showbiz noong 1995 at naging bahagi ng TV program sa GMA network na Bubble Gang kasama sina Michael V, Antonio Aquitana, at marami pang iba.

Naging matinee idol din ang aktor at ilang sa mga naging katambal nito sa mga romantic na mga palabas ay sina Diana Zubiri at Ara Mina. At dahil sa magandang mukha at hubong ng katawan nito, naging isa din sya sa mga modelo ng brand na Bench, kasama sina Richard Gomez, Richard gutierez, at Dingdong Dantes.

Talagang hindi maikukubli na maraming mga babae ang napapa-ibig sa aktor. Nagkaroon sya ng dalawang anak na lalaki sa isa sa kanyang mga nakarelasyon. Ito ay sina Wendell Saviour at Dedell Saviour.

Naging asawa naman ng aktor si Kukai Ramos at nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Tanya Nicole Ramos. Ito ay ipananganak noon December 2006 at sa kasalukuyan ay 13 taon na. Dahil sa magandang mukha ng ina at ama, naging magandang bata din itong si Tanya.

Sobrang espesyal ang turing ng aktor sa nag-iisang anak na babae at tinatawag pa nya itong “Love of my Life”. Nagbobonding naman si Wendell sa kanyang mga anak na lalaki sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa gym para mag work-out. Bukod pa rito, isa din sa kanilang kinahihiligang sports ay ang basketball. Noong November 24, nanood ang magpamilya ng PBA Games sa laban nang Barangay Ginebra at San Miguel Beermen sa Araneta Collisuem.

Mapapansin talaga sa litrato ang closeness ng aktor sa kanyang mga anak na tila mga barkada nya lang kung tingnan. Makikita din sa litrato ang kagandahan ni Tanya na talaga namang isang potensyal kapag pasukin din ang showbiz.

Samantala, nagpahayag naman ang aktor ng kanyang mensahe sa mga anak. “I am blessed to have my kids who are loving and God fearing. I will protect, love and guide you for the rest of my life”, wika ni Wendell.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here