Kahit na moderno na at makabago ang pamumuhay ngayon, mayroon ng Internet, cable TV, at live streaming, marami pa rin ang nakikinig ng balita at musika sa radyo. Mahalaga parin sa iba ang radyo sa pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa mga lugar na hindi madaling maabot ng Internet connection, at mahirap ang reception ng TV.

Madalas naririnig lang natin ang mga tao sa likod ng mga balita at mga VJ sa mga musika dahil hindi naman natin nakikita ang kanilang mukha sa radyo. Subalit sa likod ng mga magagandang boses at himig ay may mga magagandang mukha rin nang mga personalidad.

Si DJ Andi 9 ng estasyon na Magic 89.9 sa radyo ay marahil isa sa mga pinakagandang mukha at boses sa industriya ng radyo. Siya ay si Andi Manzano sa totoong pangalan.

Hindi nga maikakaila ang kagandahan nito dahil isa siyang Manzano, at kamag-anak ni Edu Manzano at Luis manzano na mayroon ding magagandang mukha at kilala din sa industriya ng showbiz. Bukod pa rito, napag-alaman din na kamag-anak din ni Andi si Gary Valenciano, na may pinakamagandang boses din sa mga singer ng bansa.

Sumikat si DJ Andi noong mga panahong nagtatrabaho pa sya sa radyo at naging mahusay na DJ. Ngunit makalipas ang ilang taon ay lumagay na ito sa tahimik at nagbigay ng pokus sa kanyang pamilya.

Napangasawa ni Andi si GP Reyes, club owner restaurateur at creative director ng Century Properties. Ikinasal sila noong 2013 at nagkaroon ng dalawang anak na babae na sina Pilar Olivia at Corazon Amelia.

Naging usap-usapan ang pagdiriwang ng unang kaarawan napaka cute na panganay na anak na si Olivia sa The Palace Pool Club, isa sa pinakasikat na club sa Maynila na pagmamay-ari mismo ng kanyang daddy GP.

Dahil sa angking kagandagan ni Olivia, naging endorser sya ng Uniqlo, Dunlopillo at Promil. Isa rin sya sa pinakabata na naging cover ng sikat na magazine na Preview.

Ang pangalawang anak ni Andi na si Corazon Amelia ay ipinanganak noong nakaraang taon lamang na naging trending din ang gender reveal noong bago ito isilang.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagtatrabaho si Andi bilang DJ at naging vlogger nadin siya. Sa kanyang YouTube channel ay ibinabahagi nito ang kanilang araw-araw na buhay pati narin ang kanyang mga travel vlogs.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here