Sa mundo ng showbiz, bukod sa galing sa pag arte, kadalasan ang mga celebrity na hinahangaan natin ay may magandang pagmumukha at hubog ng katawan. Mas nagiging angat ang mga artistang magaling na umarte, maganda at gwapo pa.

Isa na nga si Janine Marie Elizabeth Olson Gutierrez o mas kilala bilang Janine Gutierez sa mga pinakamagagandang mukha sa showbiz ngayon. Marahil namana nito ang magandang mukha sa mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierez, o di naman kaya ay sa kanyang lolang si Pelita Corales.

photo credit to lmjdgutierrez | ig

Kasama si Janine sa comedy series sa GMA network na Daddy’s Gurl, at sa Dragon Lady na ginagampanan ang karakter ni Celestina “Yna” Sanchez (Atienza) Chua-Chan / Scarlet Del Fuego.

photo credit to lmjdgutierrez | ig

Si Janine ay may kapatid na sina Diego, Jessica, at Maxine Gutierez. Ang pinakabunso sa lahat na si Maxine ay may malaking pagkakahawig kay Janine kaya’t madalas silang napagkakamalang kambal o di naman kaya si Maxine ay napagkakamalang doppelganger ni Janine. Hindi mo nga talaga iisipin na nakababatang kapatid sya ng aktres dahil magkasing tangkad lang ito at magkasing-katawan.

photo credit to lmjdgutierrez | ig

Si Maxine ay unti-unti naring nakikilala at sumisikat sa social media dahil kapansin pansin din ang kagandahan nito. Kahit sa mga larawan kung saan ito ay hindi naka make-up, ang natural na mukha at kagandahan ay talagang stand-out.

photo credit to lmjdgutierrez | ig

Madalas din makikita sa kanilang mga social media na magkasama ang magkapatid na nagba-bonding. Si Maxine ay 20 taong gulang na at nakapagtapos ng high school noong Abril 25, 2020, at magiging kolehiyo na sa darating na pasukan. Subalit wala parin namang face-to-face na klase.

photo credit to lmjdgutierrez | ig

Mahilig si Maxine sa pag aalaga ng aso kaya’t madalas sa mga posts nito ay may hawak-hawak at kasamang itong aso sa litrato.

Kagaya ng kanyang ate Janine, gustong-gusto din ni Maxine ang pagtravel at pamamasyal sa ibang lugar. Marami talaga ang pagkakahawig ng magkapatid hindi lamang sa pisikal kundi pati narin sa talent at mga hilig.

photo credit to lmjdgutierrez | ig

Kung nanaisin mang pasukin ni Maxine ang industriya ng showbiz ay tiyak na sisikat din ito kagaya ng kanyang mga kapamaliya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here