Usong-uso na nga sa mga celebrities ngayon ang pagbabahagi ng kanilang bahay sa kanilang mga vlogs. Sa ganitong pamamaraan, nakikita ng mga fans at supporters kung ano ang mga hilig ng kanilang hinahangaan na aktor o aktres, pati narin kung anong lifestyle ay mayroon sila sa likod ng camera at pag-aarte.

Ang aktor na si Dominic Ochoa ay nagbahagi nadin ng kanyang house tour sa bagong online ng Star Magic na pinamagatang Welcome kayo Dito. Hindi lang basta-basta buong bahay ang ipinakita ng aktor. Isang malaking sorpresa ang pagpapakita nito ng kanyang “favourite toys”umano, o kanyang koleksyon ng mga mamahalin na vintage cars.

Ilan sa kanyang mga nag gagandahang vintage cars ay ang 1968 Volkswagen Beetle convertible; a 1978 Ford Escort;  1995 all-original Range Rover; 2018 Vios Cup at ang sasakyan na sakanya na daw noong college pa lamang sya na tinuturing nyang “lucky car.”

Makikita din sa video ang iba’t ibang kagamitan na lumang-luma na kagaya ng mga lumang sound system at plaka, electric fan, cabinet, at mga picture frames.

Ayon naman sa aktor, nagsimula sila ng maliit na negosyo sa gitna ng pandemya. Sa dining area, ipinasilip ng aktor ang iba’t ibang produkto na kanilang binibenta at minsan ay sya daw mismong personal na nagdedeliver.

May isang refrigerator kung saan nakalagay ang samut-saring mga prutas kagaya ng strawberries, blueberries, cherry plums, apples,  grapes, cherries, lemons, kiwi, doughnut peach, at marami pang iba. Sa loob umano ng dalawang buwan ay marami na silang customers.

“Up until now, it’s not safe to go to places especially ngayon ang mga nakukuhan talaga ng virus is ‘yung grocery, bangko. ‘Yan ‘yung mga iniiwasan natin puntahan. Kaya habang ganito pa ang sitwasyon — kung wala pang trabaho — nakapag-isip kami ng Misis ko na let’s try to be productive”, wika ng aktor.

“’Pag nag-sosocial media kami, it’s more of promoting the products that we’re selling. Pero ito nga, kahit dito-dito lang namin sa’min binebenta, kami po ay nagdedeliver … ako mismo nag-dedeliver. “We chose to be productive. Hindi naman pwede ‘yung puro na lang tayo angal kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan ang ating sarili,” dagdag pa nito na naghihikayat na maging produktibo.

Bukod pa sa mga prutas ay nagtitinda din si Dominic ng iba’t ibang dips, ice cream, gourmet tinapa jars, at wagyu sa kanilang village.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here