Ang magkabili o makapatayo ng bahay ay hindi basta-basta dahil kaakibat nito ang malaking halaga ng pera at oras para ito ay maging magandang tirahan.

Subalit mas magastos ang magkaroon ng bahay abroad lalo na sa US dahil mas mahal ang presyo ng bahay at lupa doon. Pero isang wise investment ang nagawa ni Kris Bernal dahil mayroon syang vacation house sa Los Angeles California.

Sa kanyang YouTube channel na SheisKrisB, ipanikita ng aktres ang kanyang smodern minimalist na bahay na kanyang nabili noong 2018.

“The long wait is over! Request granted for you, mga SHE-zums! This is another house tour but this time, our house in Los Angeles, California! Let me tour you from the gate, to the clubhouse, to the house! It’s not as bongga as other celebrity houses! Pero dugo, pawis, at kaluluwa naman ang binuhos namin para dito! Wika ni Kris.

Talaga nga naming inabangan at requested nmaraming fans ang pag vlog ni Kris ng kanyang bahay sa L.A. kaya’t umabot ng 1 million views ang kanyang YouTube video.

Ipinakilala din ng aktres ang kanyang kapatid na isang registered nurse at ilang taon nang nagtatrabaho sa US.

Ang bahay ay simple pero ito ay may limang kwarto, komportableng living room, stylish na kusina at malapad na backyard. Si Kris umano ay natutulog sa loft dahil doon siya komportable. Kamangha mangha ang dami ng mga designer at branded bags at sapatos ang kanyang pinamili para kagaya ng Chanel, Louis Vuitton, at Gucci.

Inikot ni Kris ang buong parte ng bahay at ipanikita ito sa kanyang vlog. Sabi pa ng aktres ay kailangan talagang masipag ka sa US dahil ikaw lang ang gagawa ng lahat ng bagay kagaya ng pagluluto, pag grocery, paglalaba, at iba pa.

Masaya naman ang aktres dahil natupad nya ang kanyang ipinangakong vlog sa mga fans.

Maalalang nagsima ang karera ng aktres sa pag aartista noong sumali ito sa Starstruck noong 2006 at nanalo bilang Ultimate Love Team kasama si Mart Escudero.

Ilan sa mga naging proyekto ng aktres ay ang Boys Nxt Door, Zaido: Pulis Pangkalawakan, at Dyesebel. Sumikat din lalo ang aktres noong ito ay naipartner kay Aljur Abrenica.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here