Kilala si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi Ivana Alawi bilang isa sa sa pinaka sikat na vlogger ngayon.

Si Ivana ay isang Moroccan-Filipino at may dalawang kapatid, na sina Mona Louise Rey at Hashim Alawi. Hindi lang maganda sa panlabas na kaanyuan si Ivana dahil napaka mapagmahal din itong kapatid.

Kamakailan lang ay nagulat ang kuya nitong si Hashim sa sorpresa sa kanya ni Ivana. Ang akala nito ay bibisitahin lang nila ang lupang binili ni Ivana sa kanilang pamilya. Pagkatapos nilang binisita ang new lot para sa kanilang pamilya ay dumako naman sila para sa sorpresa kay Hashim, ngunit wala itong ideya sa mangyayari.

Pagkarating nila doon, ibinigay ni Ivana ang isang briefcase kay Hash. Nagulat ito bakit naroon daw ang kanyang pangalan. Nagtanong pa ito baka daw ay prank lamang ang ginagawa ni Ivana sa kanya. “You said you don’t want stuff, so we decided to get you a land,” wika ni Ivana kay Hash.

Hindi na napigilan ni Hash na maging emosyunal sa regalo sa kanya ng kanyang kapati.  “It’s too much, Mariam,” wika nito.

Matagal na umanong nais regaluhan ni Ivana ang kuya nito dahil sa kanyang suporta sa kanya at pag-aalaga, subalit ayaw daw nito.

“Si brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw niya ng mga bag…kasi, simpleng tao lang siya, e. Hindi naman daw niya sinusuot.” Kaya napag isipan na lamang nito na bilhan ng lupa ang kapatid. “para at least, magagamit niya. Puwede niya ipatayo para sa magiging asawa niya, sa mga anak niya. For his future.”banggit pa ni Ivana.

Nakakabilib ang pagmamahal ni Ivana sa kanyang mga kapatid at ang kanyang pagbabahagi ng mga biyayang natatanggap. Tunay ngang, mas masarap ang tagumpay na tinatamasa kapag nakakatulong ka sa iyong pamilya at napapasaya din sila.

Ayaw man tumanggap ng regalo ni Hash ay hindi n anito matanggihan ang malaking sorpresa sa kanya ni Ivana. Kaya naman labis labis ang say anito na naging emosyunal pa ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here