Lahat ng tao ay kakaiba, “unique”ika nga. Kahit kambal man ay may pagkakaiba talaga. Walang dalawang tao ang isinilang na eksaktong magkatulad, pagkakahawig ay marahil posible pa.

Marami tayong iniidolong mga celebrity, singer, o mga kilalang personalidad sa lipunan dahil sa kanilang angking galing, talion, kagandahan, at iba pa. Kaya naman nauuso ang mga impersonation o panggagaya sa ilang mga sikat na artista.

Kung hindi makuha sa kilos at galaw, makuha sa itsura ang nais ng iba, kaya naman upang magaya ang mga iniidolo ay gumagawa ng mga make-up transformation upang kopayahin ang mukha ng kanilang hinahangaang tao o karakter.

Samantala, patok na patok at agaw pansin sa social media ang kumakalat na mga larawan ng mga artista na may pagkakahawig sa ilang ordinaryong tao. Nakakatawa man sa unang tingin pero tiyak na mapapamangha ka talaga at mapapawika na “Oo nga may pagkakahawig sila!”

Vic Sotto

kamakailan lamang nag trending ang lalaking ito na may pagkakahawig kay bossing Vic Sotto sa kanyang pagkakaligtas sa isang aso, Sa kasagsagan ng bagyong dumaan sa ating bansa. Marami ang natuwa dahil sa kanyang pagkakahawig kay bossing vic at sa kabayanihan nito.

Darren Espanto

May pagkakahawig ang sikat at mahusay na singer na si Darren Lyndon Gonzales Espanto sa anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Barbie Forteza

Pansinin ang pagkakahawig ni Barbie sa isang singer na ito na nakuhanang bumibirit. Siguro nga kapag humawak din ng mikropono si Barbie at may bangs ay mapagkakamalan na sya rin ang singer sa kabilang larawan.

 John Lloyd

Sino ng aba ang hindi nagu-gwapuhan kay John Lloyd? Magaling na aktor, host at modelo si John Lloyd at 37 taong gulang na. Parang sa unang tingin, siya talaga ang lalaking nakaupo sa loob ng jeep. Pati ang porma nito at balbas at mga mata. Mukhang pang best-actor din talaga.

Ryan Agoncillo

Isang sikat at magaling na host itong si Ryan Agoncillo na asawa ng sikat na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Bukod sa hosting, magaling din na photographer, aktor at modelo si Ryan. Tingnan mo naman ang kanyang kahawig. Mukhang sya talaga ang nasa larawan na babaeng naka off-shoulder. Ang tangos ng ilong, nipis ng bibig, at ang mga mata.

Pia Wurtzbach

Ang ating Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German. Magaling na host, mahusay na modelo at endorser ng napakaraming produkto. Ano kaya ang reaksyon niya kapag Nakita nya ang larawan na ito ng lalaking nagngangalang Daniel Garcia? Mukhang si Pia boy version dahil may malaking pagkakahawig ang kanilang mukha.

Kayo na ang maghusga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here