Ang kagandahang pisikal at pansamantala lamang dahil sa paglipas ng panahon ay nagiging kunot na ang mga balat, nagiging mahina na ang katawan, nagkakaroon na ng mga wrinkles ang mukha, pumuputi ang buhok, nagiging marupok ang mga buto. Hindi napipigilan ang pagtanda ng isang tao.

Samantala, may ilan din namang biniyayaan ng mukha na parang hindi tumatanda kahit ilang taon na ang lumipas. Katulad na lamang ng ilang mga artista, modelo at mga kilalang mga tao.

Sa makabagong teknolohiya ngayon, marami na ang nadidiskubre na mga pampaganda at pampabata ng mukha, kagaya na lamang ng stem cell technology, mga food supplement, sabon, lotion, at iba pang mga cosmetics na nagpapa-enhance ng kagandahan.

Marahil para sa iba ito ay isang magandang alternatibo lalo na kapag mayroon kang perang pang-gastos. Mahal maging maganda, ika nga ng iba, Ngunit, mayroon din naman na walang ginagawa ngunit likas na maganda, maputi at kaaya-aya ang mukha katulad na lamang ni Lucy Torres Gomez.

Marami ang hangang-hanga sa kagandahan ng dating aktres at ngayon ay politico na si Lucy. Hindi lamang mga lalaki kundi pati na rin mga babae na nangangarap na magkaroon ng kagandahan na taglay nito.

Samantala, sa latest post na ibinahagi ni Lucy sa kanyang IG na may caption na “And how is your Sunday so far? Mine is a stretch of quite joys-the last chapters of a book to read, a page in my journal to fill up, a present to wrap.” Makikita sa mga litrato na mukhang relax at mapayapa ang buhay ni Lucy sa gitna ng mga negatibong nangyayari sa paligid.

Kapansin-pansin ang kagandahan nito kahit walang anumang kolorete o make-up sa kanyang mukha. Marami ang nagkomento at nagpaabot ng paghanga sa kanyang ganda kasama na ang mga dating katrabaho sa showbiz.

“Padala naman ng konting ganda dito sa Taytay Ms. Lucy”, wika ni Alex Gonzaga. Nagkomento din ang kanyang anak na si Juliana Gomez, “You are so beautiful!!!”, wika nito sa kanyang ina.

Simple lamang umano ang beauty at skin care routine ni Lucy. Ito ay ang paggamit ng Snail White Gold Cream bilang moisturizer, regular na pagbisita sa kanyang paborito at tested na beauty clinic upang magpa treat katulad ng ultratherapy, at deep oxygen facial, upang mabanat ang balat.

Nakaugalian din umano nito na linisin ang mukha lalo na ang pagtanggal ng make-up bago matulog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here