Minsan akala natin glamuroso, matiwasay, at masaya ang buhay ng mga celebrity lalo na ng mga sikat na artista. Ngunit taliwas ito sa kanilang tunay na buhay. Kadalasan ay walang pribadong buhay ang mga sikat na artista at hindi nila masyadong naeenjoy ang kanilang buhay at hindi nila nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng ibang mga tao.

Kagaya na lamang ng pagbabahagi ni Luis Manzano ng kanyang naranasan noong bata pa lamang sya na ayon sa kanya ay hindi sya nabigyan ng “normal” na buhay ng kanyang inang si Vilma Santos.

Sa vlog ni Jessy Mendiola na “Heart-to-heart Talk with Howhows”, naitanong ni Jessy sa kasintahang si Luis kung sino ang isang babae maliban sa kanya ang nais nitong maka-dinner date. Ang sagot ni Luis ay ang kanyang inang si Vilma, dahil umano ay hindi sila nabigyan ng maraming pagkakataon na magkaroon ng quality time dahil sa kasikatan ng kanyang ina.

“From my heart, mommy ko. Seryoso.  Kasi ‘yun yung ibang bagay na hindi namin nagawa ng ermat ko-have something na parang quality time. Kasi alam ng lahat na ‘yung mommy ko is a superstar. So marami kaming hindi nagawa na bagay,” pahayag ni Luis.

Sinubukan naman daw ni Vilma na bigyan ng “normal” na buhay si Luis noong bata pa ito, subalit napakahirap talaga ng kanilang sitwasyon ay hindi sila maaring makita ng publiko.

“Yung isang beses nga nag-grocery kami ni mommy. Ito yung attempt ni Mommy na bigyan ako ng isang normal life. Nung bata ako, dinala nya ako sa grocery. Siguro mga six ako nito or seven years old para ma-experience na yung mommy kasama ‘yung anak ‘di ba grocery?” pagkukwento ni Luis.

“Pagtapak pa lang namin-siguro mga tatlong hakbang pa lang- parang mall show. Hindi na kami naka-forward. Pagpasok pa lang ng grocery, nakilala na nila Mommy ko. Tapos derecho dinala ako ni Mommy sa kotse tapos uwi na kami. So basically, wala kami nagawa.” dagdag pa ni Luis.

Nakakalungkot mang isipin ngunit yun ang kanilang naging buhay. Kaya hiling umano nito na magkaroon ng quiet night o date kasama ang kanyang ina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here