Bago paman dumating ang pandemya dulot ng COVID-19, usap-usapan na ang pag phase out ng mga lumang jeepney. Ito ay hindi sinang ayunan ng marami dahil dagdag gastos ito sa mga may ari ng lumang jeep, pati narin ng mga drayber na mawawalan ng hanapbuhay.

Sa pagputok ng balita tungkol sa coronavirus, isa sa pinaka-unang naapektuhan ay ang mga drayber na namamasada araw-araw upang kumita at buhayin ang pamilya.

Dahil sa ipatupad na lockdown at quarantine, marami ang nawalang ng trabaho at hanapbuhay. Marami din ang nastranded at hindi makauwi sa kanilang lugar at makapiling ang kanilang pamilya.

Makikita sa balita sa TV na ang ibang drayber ay tuluyan nan gang namalimos ng tulong para lamang may makain at maibili ng pangangailangan ng pamilya.

Ang hirap ay dinanas din ni tatay Jimmy, isa ring drayber na nawalan ng hanapbuhay. Ito ay labis na kalabaryo pati narin sa kanyang asawang si nanay Emilia dahil hindi na sila nakauwi sa kanilang lugar sa Rizal dulot ng quarantine at lockdown.

Napilitan ang mag asawa na tumira nalang sa kanilang jeep at hintaying pwede nang makauwi sa kanilang lugar at makasama ang mga anak.

Nakarating ang balita kay Angel Locsin, patungkol sa sitwasyon ng mag asawa. Naisipian nitong sorpesahin at tulungan ang mag asawa sa papamigan ng kanyang programang ‘’Iba Yan”.

Sa pakikipanayan ng aktres, napag alaman na ilang taon na palang namamasada sa Quezon City si tatay Jimmy at parehong senior citizen na ang mag asawa. Subalit dahil kinakailangan na matustusan ang pangangailangan ng mga anak na nakatira sa Isabela, ay nagsusumikap ang mag asawa.

Inihatid ng real-life to the rescue Darna ang mag asawa sa kanilang bahay sa Rizal. Gulat na gulat ang mga ito dahil hindi na halos makilala ang bahay dahil sa sobrang ganda nito na lingid sa kanilang kaalaman ay ipinaayos na ni Angel.

Maliban sa pinaganda ay pinaayos ang bahay, mayroon din pangkabuhayan na sa-sari store na ibinigay ang aktres sa tulong ng show na “Iba Yan”

Napaiyak ang mag asawa sa labis na tuwa at lubos ang pasasalamat sa Diyos, sa aktres at sa show dahil sa napakalaking tulong na ibinigay sa kanila sa panahong ito.

Marami din ang naantig ang damdamin at napahanga sa kabutihan ng aktres.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here