Mainam nga sa pagtatrabaho ang may maayos na mga kagamitan at lugar kung saan nagtatrabaho, kaya naman maraming mga paraan ang ating ginagawa upang mas maging komportable at maginhawa ang ating pakiramdam kapag “work mode” ika nga.

photo credit to maja salvador | youtube

Samantala, dahil sa mahabang pagbibyahe minsan papunta sa set, o tapings, at pagdadala ng maraming mga kagamitan, naging uso na sa mga artista ang pagbili ng malaking van at pagpapa-customize nito ayon sa personal na gusto upang magamit ayon sa kanilang pangangailangan.

photo credit to maja salvador | youtube

Hindi nagpahuli ang aktres at dancer na si Maja Salvador na kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang vlog kung saan ipinakita nito ang kanyang bagong customized van.

“Since back to work na ako, nag decide ako na kumuha ng van para mas comfortable ako syempre sa mga locations, at kung saan saan pa diba? Para mas makapagtrabaho tayo ng mas maiigi. Pero ngayon ang kinuha naming ay isang big van pero sa loob nya ay kailangan nating icustomize,” pahayag ni Maja.

photo credit to maja salvador | youtube

Sa kanyang vlog, ipinakita ng aktres ang “before at after look” ng kanyang van na ipinangalanan nya ng “Aki”. “Ang pangalan pala nung car namin ay Ari kasi nga binili ko sya dahil mag shu-shoot ako ng film ko na Arisaka, ngunit di ko naman nagamit dahil nga ipinagawa ko sya’, wika ng aktres.

photo credit to maja salvador | youtube

Kanyang ipina-customize sa Tuned In Style ang kanyang van at pagkatapos umano ng isang buwan ay natapos na ito at nagustuhan nya ang disenyo at pagkagawa nito.

Ang isang 10-seater van na ito ay nilagyan ng star lights na nag-iiba-iba ang kulay upang magbigay umano ng kakaibang vibes sa loob ng sasakyan.  Mayroon din itong blinds, at on-off glass sa harap sa pagitan ng paseenger at sa driver area para umano sa privacy kung mayroong mga biglaang meeting, phone calls, o magbibihis ang aktres.

photo credit to maja salvador | youtube

Mayroon ding 32 inches na Smart TV sa loob upang may maging libangan habang nasa byahe o nagpapahinga si Maja. May mga drawers din na mapaglalagyan ng mga iba’t-ibang gamit na kailangan ng aktres habang nasa trabaho.

photo credit to maja salvador | youtube

Iniwasan umano ng aktres na magpalagay ng bed sa loob ng van dahil ayaw nitong makatulog habang nasa byahe dahil bumababa daw ang kanyang energy kaya mas mainam na gising talaga ito papuntang trabaho.

Kumpleto ang van kung saan pwedeng matulog, kumain, mag relax sa massager, at magtrabaho nang mas komportable.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here