Isang malaking karangalan ang mapabilang sa pamilya ng pambansang kamao, Manny Pacman Pacquaio, hindi lamang dahil sa kanyang mga tagumpay na natanggap bilang isang world boxing champion ngunit pati na rin sa mga magagandang prinsipyo at paninindigan sa buhay.

Marami ng mga tao ang natulungan ng pambansang kamao bago paman nito pinasok ang politika at naging senador ng bansa. Maaalalang marami din ang kumwestyon at nang bully sa senador dahil umano ay wala syang sapat na kakayanan upang umupong senador at maging bahagi ng pamamahala sa gobyerno.

Subalit napatunayan ni Manny Pacquiao na mali ang mga paratang at mga negatibong iniisip sa kanya ng mga tao, at mas marami pa rin ang naniniwala sa kanyang kalooban at kakayan sa labas ng boxing ring.

Samantala, ang kanyang anak naman na si Michael ay unti-unting nakikilala sa musika at nagkakaroon ngayon ng pangalan sa larangan ng pag-rap. Subalit kagaya rin ng kanyang ama ay nakakaranas sya ngayon ng mga pambubully at pangungutya.

“Yung mga anak ko kasi, especially Michael, hindi siya sanay doon sa mga… siyempre, hindi lahat ng ng tao sa social media magsu-support sa’yo, magpupuri sa’yo, may mga basher din. Minsan, hindi niya ma-handle, nalulungkot siya, minsan umiiyak, nagsusumbong sa amin,” pahayag ni Manny.

Todo suporta ang ama sa kanyang anak at pinaintindi na may mga tao talaga na magsasabi ng mga negatibo sa kabila ng mabuting gawain mo. “Pero sabi ko, pinapaintindi ko sa kanila na ganu’n talaga. You cannot please everyone, everybody,” dagdag pa ni Manny.

“Before ‘yung daddy n’yo rin, from the beginning of my career until now, may mga basher talaga. Pero ‘yung mga basher na ‘yun hindi ako galit sa kanila. Doon ako humuhugot ng inspirasyon para ipakita sa sarili ko na hindi ako gano’n”, wika pa nito kay Michael.

Samantala, kamakailan lamang ay pinarangalan ng Wish 107.5 si Michael Pacquiao ng Bronze Wishclusive Elite Circle sa kanyang performance ng “Hate.” Nakatanggap din ito ng kauna-unahang Wish Music Awards nominasyon sa “Wish Breakthrough Artist of the Year” at “Wishclusive Hip-hop Performance of the Year.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here