Bukod sa ating mga pamilya at kaibigan, may mga taong labis ang pag-aalaga at pag-aasikaso sa atin kahit hindi man natin sila kadugo. Sila ay ang mga kasambahay o house helper na minsan ay parang pamilya na rin kung maituturing dahil sa kanilang walang sawa na pagseserbisyo.

Marami ng mga kwento ng pagtutulong sa mga kasambahay ang nagpa-antig sa ating mga puso. Ngayon naman ay ating masisilayan at malalaman ang kabutihang loob na ipinakita ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla sa kanilang mga house helpers.

Dahil sa pandemya, marami ang nagbago sa ating pamumuhay, at naroon palagi ang pangamba sa kaligtasan ng mga mahal sa buhay.

Katulad din ng marami sa atin, hindi rin nawawala sa isip ng mag-asawang celebrity ang kaligtasan ng kanilang mga anak na sina Gabriella at Isabella na parehong maliliit pa lamang at mas dapat ingatan at pangalagaan.

Hindi basta-basta nakakapasok ang sinuman sa kanilang tahanan. Bukod pa dito ay nag-aalala din ang mag-asawa sa kanilang mga house helpers na napalayo sa kanilang pamilya sa panahong ito. Bilang mga magulang ay alam nina Robin at Mariel ang pakiramdam na mawalay sa pamilya kaya naman ay napag-isipan nilang tulungan ang kanilang house helpers.

Bilang pasasalamat sa serbisyo ng kanilang mga maaasahang kasambahay, ipinatuloy nila ang pamilya ng kanilang mga kasambahay sa isang coumpound ng Islam families.

“It is because they are sacrificing so much for their families. It is because they have shown us loyalty. Nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto namin suklian ng pagmamahal din yung pinakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin”, wika ni Mariel sa kanyang vlog.

“Ang dami-daming nangyayari so mag-aalala sila sa pamilya nila. And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So, Robin decide to take them under his wing. Here’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families. And for the very first time, we opened the doors to Christians, like myself, for our staff”, dagdag na pahayag ng aktres.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga house helpers sa tulong na ibinahagi ng mag-asawa sa kanila lalo na sa panahon ng pandemya ngayo at mga kalamidad. Tunay ngang tayo-tayo din ang magtutulungan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here