Marami sa mga artista kapag pumasok sa showbiz ang nakakatandang kapatid ay madalas na nadidiskubre rin ang ganda at galing ng nakababatang kapatid.

Kilala na nga ng publiko si Lovie Poe, bilang anak ng namayapang aktor na si “The King”Fernando Poe Jr. Namana din nito sa ama ang galing sa pag-aarte, at bukod pa roon, mahusay ding umawit si Lovie Poe.

photo credit to yeliee | ig

Dahil narin sa kanyang angking morena beauty at pinay na pinay na kagandahan ay marami ang nabighani rito. Marami din ang naging endorsements ni Lovie Poe.

Bukod pa kay Lovie, ang kagandahan ng kanyang kapatid ngayon ang agaw pansin na din sa social media. Siya ay si Mariel Tung o mas kilala bilang si Yela Tung. Si Yela ay nakababatang kapatid ni Lovie.

photo credit to yeliee | ig

Hindi rin nagkakalayo ang kanilang mukha subalit may sariling angking karisma at kaganda din itong si Yela na sa kabila na mayroon na itong anak ay mukhang dalaga parin ang hubog ng kanyang katawan. Napakaganda nito lalo na kapag nakangiti. Mabibilog ang mga mata, matangos ang ilong, at may manipis na bibig.

photo credit to yeliee | ig

May mga pagkakapareho din sila ng hilig ng kanyang ate Lovie Poe, kagaya lamang ng pagkahilig sa pagbabad sa beach, na minsan ay nag upload ito ng mga litrato na nakasuot ng swimwear ay tunay na napakaganda parin ng katawan nito. Mahilig rin itong mag alaga ng mga aso kagaya ng kanyang ate Lovie.

photo credit to yeliee | ig

Mapapansin naman sa mga posts nito na madalas ay magkasama silang magkapatid at tila sila ay sobrang close sa isa’t-isa.

Isa sa mga advocacy ni Yela ang pagtulong sa pagsusulong ng kahalagahan ng mental health, pagbibigay ng kaalaman patungkol sa sakit na cancer at pagsusulong ng kahalagahan ng edukasyon sa isang tao.

photo credit to yeliee | ig

Kung mag desisyon mang pasukin ang showbiz, malamang ay sisikat din at magkakaroon ng maraming tagahanga si Yela kagaya ng kanyang ate Lovie.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here