Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling bahay na matitirhan at mauuwian. Subalit, sa mga artistang kagaya ni Maris Racal, hindi imposible ang magkaroon ng sariling bahay sa murang edad.

Si Maris Racal ay unang nakilala bilang isang PBB Teen housemate. Naging mahusay na aktres, modelo, at singer. Ngayon ay 22 taong gulang pa lamang ito ngunit mayroon na itong bahay na may tatlong palapag. At sa kakatapos lamang na renovation ng kanyang bahay, masaya at aliw na aliw nitong ipinasilip sa kanyang vlog kung ano ang itsura ng loob ng kanyang bahay.

Sa pagpasok palang sa kanyang bahay ay mayroong nakalagay sa isang sulok na mga kagamitang upang maging ligtas sa panahon ng pandemya. Naroon ang mga hand sanitizer, alcohol, face masks, at face shields.

Sa second floor, ang unang-una na bubungad sa mga bisita ay ang isang piano at ang gallery wall ng aktres. Naroon ang mga frames ng ibat-ibang artworks, pati narin ng ilang mga “artsy” na litrato nito. Ayon kay Maris, gusto nya ang color scheme ng orange kaya’t mapapansin talaga sa buong bahay na may iba’t ibang kagamitan na may shade ng kulay na orange.

Ang kanyang living room ay napaka ganda, elegante dahil sa mga glass na dekorasyon, mga frames, may mga halaman, at ang isang green na couch at orange na mga unan na talagang paborito ng aktres. Ipakita din ni Maris ang orange na carpet na may geometrical patterns. Namangha din umano ang aktres noong una nyang nakita ang magandang arrangement at disensyo ni Carell Garcia sa kanyang living room.

Sa kanyang living room ay mayroon ding entertainment wall kung saan mayroong dalawang salamin sa magkabilang dulo ng puting wooden wall na kung titingnan ay parang kurtina na naka kulot.

Sa kabilang bahagi naman ng kanyang living room ay naroon ang kanyang kusina. Ipinakita ng aktres ang ibang kagamitan na matagal na umanong ginagamit kagaya ng kanyang water dispenser at refrigerator. Napaka lawak at linis ng kanyang kusina na mayroon L-shape na black counters.

Sa third floor nga bahay ng aktres, naroon ang kanyang kwarto. Sa labas ng kanyang kwarto ay naroon ang kanyang shoe rack na punong puno ng iba’t-ibang mga sapatos, at sa gilid nito ay ang malaking cabinet.

Makikita sa kanyang kwarto ang malalaking artworks sa iba’t-ibang frames. Mayroon itong isang organizer cabinet nilalagay ng aktres ang kanyang mga libro, awards, at corona ng I-want.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

“Fun fact, ako lang nag-design nito. Ganito yung colors niya: mustard, nude, beige, pink, and burnt orange, kasi ito yung time na sobrang adik ko pa sa Nordic home and I’m kind of growing out of it na but wala akong choice, I have to live with it,” wika ng aktres.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here