Nitong Miyerkules ng umaga, ipinakilala ng mag-asawang celebrity ang kanilang anak sa madla na may pangalang Skye Anakin. Ang pangalan ng sanggol na Skye Anakin, ay hango sa isang leading character ng kilalang istorya na “Star Wars”.

credit to pancho magno / ig

Si Pancho Magno na nag-post ng isang video sa Instagram TV account nito, na ipinakita ang panganganak ni Max Collins na may hawak kay Skye Anakin sa kauna-unahang pagkakataon. Matatandaang si Max Collins ay nanganak sa pamamagitan ng tubig. Isa lamang si Max ang sumubok sa tinatawag na water birth, nauna na rin sumubok sa ganitong pamamaraan ang kapuso star na si Kylie Padilla.

credit to pancho magno / ig

Sa nasabing video makikita ang sanggol na napaka gwapo at tangos ng ilong nito, Hindi pa rin naman masabi kung kanino ba talaga kamukha ang bata. Si Pancho din mismo ang pumutol sa pusod ng kanyang anak. Sa mga hindi nakakaalam si Pancho Magno ay isang registered nurse.

credit to pancho magno / ig

Para sa dagdag kaalaman;
“A water birth means at least part of your labor, delivery, or both happen while you’re in a birth pool filled with warm water. It can take place in a hospital, a birthing center, or at home. A doctor, nurse-midwife, or midwife helps you through it. In the U.S., some birthing centers and hospitals offer water births.” Ito ay ayon sa website ng webmd.

credit to pancho magno / ig

Ang bagong tatay ay sobrang galak, sa naka-caption sa kanyang video post,
“To our son, Skye Anakin, you are one of the reasons why I believe in God. Can’t wait to be your best friend”.

credit to pancho magno / ig

“To my amazing wife, you are also one of the reasons why I believe in God, you did everything with no medications and no tears. There are no words to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a mother.

“P.S. To all the moms out there! Much love and respect!” – dagdag pa ng aktor.

credit to pancho magno / ig

Ayon pa sa isang interview kaya napagpasyahan nilang subukan ang ganitong pamamaran ay dahil na rin sa ating pandaigdigang sitwasyon ngayon, kung saan mas mainam na manatili sa bahay at doon na lamang manganak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here