Ibinahagi ng dalawang teen celebrities na si Maymay Entrata at Kathryn Bernardo ang kani-kanilang mga karanasan sa pag-aartista sa ika-11 session ng online series na Actors ‘Cue, #ExtendTheLove na nangyari noong nakaraang Mayo 29.

Ang pinamagatang Extendthelove Cinema Series ay isang Facebook page na ang layunin magsasagawa sila ng isang live-streaming online ng mga celebrities sa ABS-CBN, ito’y para sa isang proyekto na nagpapalawak ng pondo para sa mga kawani ng staff/filmworkers na ngayon ay pansamantalang ipinahinto ang operasyon dahil sa pandemic na nangyayari saating bansa ngayon.

Samantala, saaming pagsisiyasat ang bilang ng pondo na nalikom nila ngayon ay umabot na sa 223,392.74 na mga donasyon galing ito sa mga Netizens na nanonood ng livestream nila. Batid nga nila ang pasasalamat dahil hindi nila akalain na simula April 23, hanggang May 30, 2020 ay ganyan na kalaki ang kanilang nalikom na pondo.

Sa isang post sa kanilang Facebook page na ang aktres ng “Hello, Love Goodbye” na si Pinoy Big Brother winner Maymay Entrata ay sasali sa isang live-streaming nila na pinamatang Actors ‘Cue Series 11’ kasama na rin dito ang “Kadenang Ginto” aktres na si Dimples Romana at si Maja Salvador. Moderated by filmmaker Adolfo Alix, Jr.

Dito din ay ibinahagi nila ang kanilang tungkulin na kanilang ginagampanam at ang kanilang pag-angat sa buhay sa industriya.

Samantala, sinabi dito na kamakailan lang si Kathryn Bernardo at ang love team partner niya at the same time boyfriend na si Daniel Padilla ay naging guest din dito noong nakaraang araw.

bernado kathryn_1

Makikita sa isang Facebook live-streaming ang pasasalamat ni Maymay Entrata habang ibinabahagi niya ang kanyang pag-angat sa buhay ngayon.

Proud na proud naman ang Phenomenal Box Office Star na si Kathryn Bernardo at ang aktres na si Dimples Romana sa achievement na nakamit ngayon ng Pinoy Big Brother winner na si Maymay Entrata.

Source: Extendthelove Cinema Series / Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here