Walang dudang tuloy-tuloy ang pagyabong ng karera ni Maymay Entrata o Mary Dale “Maymay” Entrata sa tunay na buhay, sa maiksing panahon buhat ng ito ay itanghal na winner sa kapamilya show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 malayo na ang narating nito sa show business bilang aktres.

Hindi nga maikakaila sa dami ng proyekto ngayon ni Maymay mapa-pelikula man o telebisyon, dahil na rin sa pagiging isa sa magaling na aktres nito at modelo hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Hindi nga ba kamakailan lamang ay napuri pa ito ng sikat na modelo sa buong mundo na si Tyra Banks.

maymay entrata | ig

 

Sa isang episode ng programang Magandang Buhay maiyak-iyak na tinalakay ang kabutihang ginagawa ni Maymay sa kanyang pamilya. Matapos nitong magpagawa ng bahay kanilang lugar sa Camiguin, may sasakyan na rin ito na hindi nya akalain kasama pala na ibinigay sa isa niyang endorsement.

 

Bukod pa diyan tinutulungan niya sa pag-aaral ang tatlo niyang mga pinsan. At netong ngang huli ay inilihad niya ang binili niyang bahay sa Japan para sa kanyang inang si Lorna Entrata na isang Overseas Filipino Worker Japan.

maymay entrata | ig

 

Sambit ng aktres mahal ang renta ng bahay sa nasabing bansa, sa loob ng 28 taon nangungupahan lamang ang kanyang ina. Kaya naman naiyak ito na matapos ang mahabang panahon ito ay magkakaroon ng sariling tahanan.

maymay entrata | ig

 

“Sa Camiguin po ‘yung bahay, patapos pa lang. Blessing na rin po ‘yung sasakyan kasi hindi namin akalain na sa endorsement kasama na po siya don,”

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” saad ng dalaga.

maymay entrata | ig

Kahit sino naman siguro ay maiiyak lalo na kung ang isang anak ay magbibigay ng tahanan sa kanyang magulang. Marami ang na-inspire sa ginawang ito ni Maymay, tunay nga ang taong mabait sa magulang ay ipinagpapala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here