Ang mundo ay dumadanas ngayon ng kakaibang pagsubok at halos ilang buwan na rin naman ang Pilipinas ay sumailalim sa quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng nakakahawang sakit. Hindi porke’t nasa gitna tayo ng pandemya at titigil na ang ating buhay. Kailangan pa rin gumawa ng paraan at diskarte upang mabuhay.

At iyan ang ginawa ng ilan sa ating mga paboritong artista, kahit sila ay dumanas ng matinding pagbabago sa panahon na ito. Kung hindi magiging madiskarte at patuloy na maghihintay sa mga shooting o taping tiyak na gutom ang aabutin.

Kilalanin natin ang mga artistang gumawa o nagbukas ng kanilang negosyo sa gitna pandemya.

Lotlot De Leon

Si Lotlot de Leon ay abala sa ngayon sa kanyang negosyo, ang Lotlot’s Homemade na may mga produktong marinated liempo, marinated na manok, ready to cook na barbeque, banana bread, at tocino.

Ryan Agoncillo at Judy Anne Santos

Ang Angrydobo and Pizza Telefono restaurants na restaurant ng mag-asawa ay muling binuksan para maging available ito sa online at maipadeliver sa mga kliyenteng nais umorder.

Ara Mina

Ang Hazel Berry restaurant na pagmamay-ari ng aktres ay pinasok na rin ang online selling at kamakailan ay nagbukas na rin ito ng tindahan ng gulay na maaaring bilhin online.

Ai Ai Delas Alas

Ibinalik ng Comedy Queen Aiai Delas Alas ang kanyang hilig sa pagluluto at binuksan ang kanyang pastry na negosyo na Martina’s Pastry.

Derrick Monasterio

Ang Kapuso Hunk naman na si Derick ay nagtayo ng Quarancleanph kung saan ito ay haircut home service, tamang tama ang naisip na ito ni Derick dahil sa panahon ngayon halos nasa tahanan lang ang mga tao at umiiwas na magkasakit.

Chariz Solomon

Ang Bubble Gang mainstay naman ay nagbukas ng kanyang #FusionByCharizSolomon kung saan mga lutong pagkain ang kanyang inioofer dito.

Sa panahon ngayon dapat maging madiskarte kung hindi gutom ang aabutin mo. Ikaw ano nga bang negosyon ang naisipan mo ngayon pandemya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here