Sa industriya ng pag-aartista ay malaki ang maaari mong kitain lalo na kung ikaw ay isang mahusay na artista ngunit sa mundo ng showbiz ay wala rin naman kasiguraduhan na palaging nasa harap ng kamera. Kaya kung marunong kang humawak ng perang kinikita mo dito ay mapapaisip ka na paghandaan ang kinabukasan mo lalo pa nga na hindi naman lahat sa showbiz ay galing sa mayayamang pamilya.

Kaya naman ating kilalanin ang mga paborito nating artista na mayroon mga farm o hacienda, mula sa katas ng kanilang pinagpaguran sa showbiz.

Zsa Zsa Padilla

Casa Esperanza ang pangalan sa farm ni Zsa Zsa at asawa nitong architect na si Conrad Onglao na matatagpuan sa bayan ng Lucban, Quezon Province. Sa nasabing farm ang karaniwang nakatanim dito ay gulay at saging, na minsan na rin niyang naipakita sa isang programa sa TV.

Lorna Tolentino

Ang batikang aktres na si Lorna Tolentino o mas kilala sa tawag na LT ay may-ari ng Vera Grace Farm na matatagpuan sa Cavite. Sa limang ektaryang lupain na ito ay sari-saring mga tanim ang makikita dito.

Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan

Si Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ay ang may-ari ng Sweet Spring Country Farm sa Alfonso, Cavite. Kung saan ito ay open sa publiko para mamili dito. Makikita sa farm na ito ay mga gulay at prutas kung saan mabibili mo rin ang mga ito ng mura.

Susan Roces

Sa may Lipa Batangas naman matatagpuan ang dekadang farm ni Madam Susan Roces kung saan ang tanim na makikita dito ay mga dragon fruit.

Sarah Geronimo

Ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo ay mayroon din farm na matatagpuan sa Tanay, Rizal. Ang farm ni Sarah ay naging usap-usapan dahil na rin high tech na solar ang ginagamit dito. Samu’ sari naman ang makikita sa farm na ito.

Dimples Romana

Ang nakakarelax naman na farm ni Dimples Romana ay matatagpuan sa Cavite, kung saan madalas niyang nakakasama dito ang kanyang pamilya at ang kanyang BFF na si Angel Locsin.

Richard Gomez at Lucy Torres

Ang showbiz politician couple na si Goma at Lucy ay farm sa kanilang tahanan sa Carlota Hill, Ormoc City kung saan mga sariwang gulay ang mga nakatanim dito. Minsan na ipinakita ni Goma ang mga tanim niyang gulay ng ito ay gumawa ng isang vlog patungkol sa pagluluto.

Ilan lamang sila sa mga artistang may-ari ng farm dito sa ating bansa. Sadya namang nakakarelax tingnan ang mga ito lalo na kung ikaw mismo ang naroon sa nasabing farm.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here