Ang United States of America ay ang pinaka-makapangyarihan at pinaka-mayamang bansa sa buong mundo kaya naman marami sa ating mga kababayan ang nagnanais na tumira at doon magtrabaho.

Dream come true para sa mga artista na magkaroon ng bahay, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa abroad. Katas ng talento, pagtatrabaho at pagpupursige ang kanilang mga naipundar na bahay sa Amerika.

Sharon Cuneta

Si Mega Star Sharon Cuneta ay bumili ng kanyang mega mansion sa Los Angeles, California noong 2010. Alam naman natin na siya ang isa sa mga pinaka-mahusay at pinaka-matagumapay na artista.

Ang kanyang mansion ay nabili sa halagang $2 million dollars o mahigit 100 million pesos at ito ay may 600 square meters na floor area.

Kris Bernal

Kasalukuyang binibisita ng Kapuso star sa California, USA ang kanyang kapatid na si Katherine Bernal matapos makiisa sa Mabuhay Festival sa Vallejo.

Ibinahagi ni Kris ang bagong biling family home nila sa West Covina. “Blood and sweat” at “hard work pays off” ang katas ng bagong bahay nila sa Estados Unidos.

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos

Sinorpresa ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads ang kanyang misis ng bahay na kanyang binili at inayos sa Las Vegas, Nevada noong 2016.

Dati ay nagbibiruan lang ang mag-asawa na bumili ng bahay sa Amerika ngunit ginawa nilang investment ang kanilang “humble home” sa disyerto.

Aiai Delas Alas

Sa Los Angeles, California nag-aaral ang mga anak ng Comedy Queen. Noong 2015 ay binilhan niya ang kanyang baby girl ng bahay.

“The white house” ang tawag ni Ai Ai sa kanilang two storey house. Labis ang pasasalamat ng only girl ng aktres na nangakong magsusumikap upang makuha ang kanyang bachelor’s degree.

Manny and Jinkee Pacquiao

Nag-house hunting ang mag-asawa para magkaroon ng permanent address sa stateside para sa The Fight of the Century na laban ni Pacman kay Floyd Mayweather noong 2015.

Ang People’s Champ ang nakabili ng 10,000 square-foot property sa 90210 na dating pagmamay-ari ni Sean “P. Diddy” Combs. Nabili ito ng pamilya Pacquiao sa halagang $12.5 million.

Piolo Pascual

Noong 2006 nabili ng Kapamilya matinee idol at ng kanyang kapatid na si Patricia ang kanilang 10,000 square feet two-storey, four-bedroom Las Vegas home na may bear-shaped pool. Hideaway raw ito ng actor kapag gusto niyang mag-relax at magbakasyon dahil secured at tahimik ang area.

Regalo naman ni Piolo sa kanyang ina na si Amelia Pascual ang Los Angeles house na matatagpuan sa Diamond Bar. 13,000 square feet ang lawak ng property na may mini-bungalow.

Wil and Haley Dasovich

Ang Daso siblings na Filipino-Americans ay kasalukuyan nang naninirahan sa Pilipinas. Successful vloggers ang dalawa kaya pinasok na rin nila ang mundo ng showbiz at modeling.

Ang kanilang tahanan kasama ang kanilang “Mudra” at “Pudra” ay matatagpuan sa The City by the Bay sa Estados Unidos. Doon nagpagamot at nagpagaling si Wil noong nilalabanan niya ang kanyang cancer.

Nash Aguas

Isa rin sa pinakabatang artista na nagkaroon ng ari-arian sa ibang bansa ay itong si Nash Aguas kung saan matatagpuan ang nasabing bahay niya sa Las Vegas.

Maraming humanga kay Nash dahil na rin sa pagiging marunong nitong humawak ng pera at alam niya kung saan tamang ilagay ang mga ito.

Source: Tuklas PH / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here