Sa gitna ng umiiral community quarantine at halos sarado ang mga beauty clinics, madalas na nasa bahay lamang ang mga iniidolo nating artista. Kaya namana ng ilan sa kanila ay naglabasan na ang puting buhok o uban ngunit Proud naman ang mga ito na ibinahagi ang kanilang uban.

Alam naman natin lahat na doon tayo patungo ang lahat at hindi naman lingid sa ilan na nagkaka edad na ang ating mga iniidolo. Kaya naman silipin natin ang kanilang mga larawan at kung sino-sino ba nag mga artistang may proud uban.

Carmina Villaroel
Hindi niya alintana ang pagkakaroon ng uban, sa kabila ng pagkakaroon nito hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Mina.

Vic Sotto
Madalas naman natin makita si Bossing Vic na may uban at hindi naman niya ito kinakahiya tulad ng kanyang kapatid na si Tito Sen proud din ito.

Judy Anne Santos
Sa kanyang instagram post nagbahagi si Juday ng kuha niyang larawan na may uban at may kalakip itong caption na: “Naglabasan na mga uban ko. ‘yung iba kakatubo pa lang, puti na agad??? Sorry guys… hindi kayo dumaan sa adolescent stage.” Pabiro pa niyang hinamon ang kanyang followers na ipakita rin ang kanilang mga uban. Sabi niya, “labasan na lang ng mga uban! Sino sasali??”

Gelli De Belen
Proud namang ipinasilip ni Gelli ang kanyang mga uban at kanyang pagkukulay nito.

Dawn Zulueta
Proud din sa kanyang larawan na ipinakita ni Dawn Zulueta ang naghahabaan nitong buhok. Ngunit sa kabila nito makikita pa rin ang walang kupas na kagandahan ng aktres.

Paolo Contis
Kapuso actor Paolo walang alinlangan na ibinahagi ang kanyang larawan na may puting buhok.

Nico Bolzico
Maganda naman ang hatid na mensahe ni Nico sa kanyang pagkakaroon nito ng uban, ayon sa influencer dapat maging proud ang bawat isa sa kanilang flaws at imperfections.

Sunshine Cruz
Ang seksi mom na si Sunshine ay mukha pa rin itong bagets at proud na ibinahagi ang pagkakaroon ng uban bilang pagkilala na rin sa kapwa niya nanay.

Gabby Concepcion
Sa kabila ng bearded look na may puting buhok, kitang kita pa rin ang kagisigan ni Gabby Concepcion habang namamalagi ito sa kanyang farm sa Batangas.

Bagama’t hind na maiiwasan ang pagkakaroon ng puting buhok lalo na habang nagkakaedad ang tao. Maging proud sa ating kapintasan dahil sa mundong ito wala naman taong perpekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here