Kadalasan kaya nagsisikap ang magulang ay para sa kinabukasan ng kanilang magiging anak at sa mga susunod na henerasyon ng mga ito. Maramil ang ilan sa mga sikat na personalidad ay nanggaling din sa mahirap na pamumuhay, kaya kung anuman ang kanilang tinatamasa ngayon ay talaga namang deserve nila ito.

Napakaswerte ng mga batang ito dahil ipinanganak silang may magandang buhay ngunit kailangan din nila itong pangalagaan upang sa darating din panahon maipamana nila ito. Ilan sa mga batang personalidad na ito ay may mayayamang magulang o masasabi na rin natin galing sa marangyang pamilya.

Baby Tali

Siya lang naman ang bibong bata na at bunsong anak ni bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ysabella Larrazabal

Anak ni Donna Cruz at Dr. Potenciano “Yong” Larrazabal III, ang kanyang ina ay mula sa mga angkan ng artista at ang kanyang ama ay kilalang lahi ng mga professional at negosyante sa bahagi ng Visayas Region.

Yohan, Lucho, and Luna Agoncillo

Walang duda na mayayaman ang kanilang mga magulang, bukod sa nanay nilang si Ms Judy Anne Santos na bata pa lang ay artista at ang kanilang ama na kilala din bilang magaling na host ng programa.

Atasha and Andres Muhlach

Kapag sinabing mga Mulach alam mong may sinasabi sa lipunan kaya naman ang anak na kambal ni Aga at Charlene ay walang dudang may mayamang magulang.

Inigo Pascual

google image

Anak ng sikat na Piolo Pascual na kilalang may isa sa pinakamalaking kinikita sa mundo ng showbiz bukod pa sa kanyang negosyo. Ang kanyang anak naman ay sumunod na sa kanyang yapak ngunit mas kinahiligan nito ang pag-awit at kung minsan umaarte din sa harap ng camera.

Zion at Kai Gutierrez

Ang batang Gutierrez ay talaga namang hindi maikakaila na may mayamang magulang lalo na ang kanyang mga Lolo at Lola. Anak ni Richard Gutierrez at Sarah Labhati parehong artista na may pamilyang kilala sa lipunan.

KC Concepcion, Frankie, Miel, and Miguel Pangilinan

google image

Ang mga Cuneta-Pangilinan siblings ay talaga namang certified na maroong yayamanin na magulang. Ikaw ba ang maging anak ng isang Megastar Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.

Pacquiao Siblings

google image

Sa lahat heto ang nakakabilib na milyonaryong o bilyonaryong magulang, dahil ang yaman ng magulang ng Pacquiao siblings ay masasabing inspirasyon. Alam naman natin lahat kung paano nagsikap at nagsimulang umusbong ang pamumuhay ng isang Manny Pacquiao.

Juliana Gomez

google image

Kung ang tatay mo ay kilalang bigating artista at ang nanay mo ay kilalang may mayamang angkan sa Ormoc, Tiyak certified na pasok si Juliana sa mga listahan ng may mayayamang magulang sa ating bansa.

Scarlet Snow Belo

google image

Walang dudang isang daang porsyento kabilang ang batang si Scarlet sa may mayamang magulang. Kung ang kanyang ina ay may-ari ng Belo Groups at kanyang ama ay Doctor na negosyante pa.

Bimby and Joshua

google image

Hindi na maikakaila na sobrang yaman ng angkan ng magulang nitong mga batang personalidad na ito. Ikaw na may nanay na Kris Aquino.

Maswerte ang mga batang ito, hindi tulad ng ibang nasa kalye lamang ngunit kasabihan nga. Magsumikap ka sa buhay, gumawa ng tama at maging madiskarte tiyak may patutunguhan lahat ng ginagawa mo. Kung hindi ka man tulad nila, magsilbi sanang inspirasyon sa iyo kung anuman ang meron ang mga batang personalidad na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here