Ang tattoo ay kinikilala bilang form of body art, para sa iba ang pagpapa-tattoo ay pagpapahayag na iyong nararamdaman at para sa iba ay nagsisilbi itong dekorasyon sa katawan. Ngunit sa karamihan ang kanilang mga tattoo ay mas malalim pala na ibig sabihin at importansya.

Kaya madami ang gustong magpalagay ng tattoo sa kanilang mga katawan kabilang na dito ang mga Pinay celebrities, kaya naman ipapakita namin sainyo kung ano ang tunay na simbolo nito para sa kanila.

Angel Locsin

Siya ay may tattoo malapit sakanyang pulso ito ay nakasulat sa Hebrew sa english ang ibig sabihin ng kanyang tattoo ‘di umano ay “always have and always well”. Samantala, mayroon din daw siyang tattoo sa ibaba ng kanyang spine at chinese naman ang nakasulat. Ngunit, hindi sinabi ni Angel kung ano ang ibig sabihin ng chinese characters na iyon.

Noong nakaraang taon sa kanyang birthday ay nagpatattoo si Angel Locsin, ang kanyang bagong tattoo ay nasa kanyang batok isa itong minimalist design ng isang diamond na may mga maliliit ng linya na kulay itim.

Nadine Lustre

Isang rosas ang nakaukit sa kaliwang pulso ni Nadine at sa kanan naman ay isang crescent moon. Ang rose ay ang kanyang paboritong bulaklak na sumisimbolo ng self-love habang ang moon naman ay inspired ng everglow ng coldplay.

Ayon sa balita ng Bandera, ay nadagdagan pa ngayong 2020 ang tattoo ni Nadine ng dalawa, nagpalagay ‘di umano siya ng Japanese name sa kanang braso at nagpa-tattoo din siya right index finger.

Ellen Adarna

Ang sexy na si Ellen ay may mga madaming tattoo, pero ang pinaka-kilala at parating nakukunan ng picture ay ang serenity prayers sa kanyang kaliwang tagiliran ng kanyang katawan.

Ang freedom tattoo din ni Ellen Adarna na nasa kanang tagiliran ay napapaligiran ng pitong Adarna Birds na nagsisimbolo sa pitong miyembro ng kanyang pamilya.

“I’ve always been grateful and thankful that they’ve been supportive in every decision I make and gave me then freedom to do whatever either right or wrong just for me to grow as a person.” Sabi ni Ellen sa isang interview.

{Source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here