Isa lamang sa mga pangarap ng karamihan ang magkaroon ng magarang bahay. Hindi man madaling abutin, ngunit hindi naman ito imposible kapag pinagsipagan at pinagtyagaan.

Maraming mga artista ngayon ang nagbabahagi ng kanilang mga bahay at tirahan, dahil ito ay madalas nirerequest ng mga supporters.  Hindi lamang nakakamangha at nakakaaliw kundi nagiging inspirasyon din ito sa karamihan dahil sa mga prosesong pinagdadaanan bago matapos ang kanilang bahay.

Isa sa mga pumatok na vlogs nitong nakaraan lang ay ang house-tour ni Michelle Madrigal. Si Michelle ay isang sikat na aktres. Nakilala siya noong sya ay naging finalist ng Star Circle Quest ng ABS-CBN Network.

Sa unang bahagi ng vlog ni Michelle ay makikitang nakatayo siya sa front door ng kanilang bahay kasama ang kanyang anak na si Anika Austin. Pagpasok sa entrance ng bahay ay agad makikita ang kanilang “Money Tree” na ayon kay Michelle ay pampabuenas sa kanila. Ipinikita rin ng aktres ang kanilang office na katabi lamang ng “Money Tree”.

Sunod namang ipinakita ni Michelle ang kanilang kitchen, dining area, at living room. Bukod pa doon ay ipinakita rin ng aktres ang kwarto ng kanyang anak na si Anika, ang nakakatuwa pa roon game na game rin si Anika sa pakulo ng kanyang ina.

Hindi rin pinalagpas ni Michelle ang pagpapakita ng guest room, mudroom, at laundry room. Makikita rin sa video ang kanilang gym/garage na mayroong iba’t ibang gym equipment. Sa master’s bedroom naman ay mayroong king size bed, at ang nakakatuwa pa ay maroon ring ottoman bed para sa kanilang alagang aso.

Sa huling bahagi ng video ay ipinakita rin ni Michelle ang kanilang backyard na kung saan ay plano din nilang pagawan ng swimming pool.

Ayon kay Michelle ay masayang masaya siya na naibahagi ang kanilang bahay sa mga netizen, bukas rin siya sa mga suhestyon para mapaganda pa ang kanilang bahay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here