Sino ba naman ang hindi magagalak sa tuwa kung ang kapatid mo ay nagtapos at nanumpa bilang isang ganap na abogado. Sa Instagram post ng Kapuso actress nakasaad ang katagang “FIGHT ME!!! There’s a new lawyer in town!”.

Marahil pagbibiro ng dalaga sa kanyang pagkakaroon ng abogadong kapatid. Matatandaang noong 2019 Bar Exam na ginanap noong nakaraang Abril ng taong kasalukuyan ay nakapasa ang kanyang kapatid na si Louisa Marie Quintos.

Sa Facebook account naman ni Louisa lubos na nagpapasalamat ito sa suporta ng kanyang pamilya kasama sa larawan ang mga ito sambit ni Louisa “I am immensely grateful that I took my Oath today surrounded by the people I love the most.”

Ang Oath Taking ay ginawa online sa pamamagitan ng Zoom video conference ayon kay Konsehal Wardee Quintos ng Sampaloc, Manila.

Inspirasyon din maituturing ang pangyayaring ito, dahil na rin sa gitna ng tinatawag na new normal nairaraos pa rin ang mga mahahalagang bagay. Hindi dapat titigil ang mundo sa gitna ng pangyayaring ito sa mundo, ibayong pag-iingat ang kailangan ng bawat isa habang patuloy lamang ang buhay.

Maligayang pagbati sa bagong abogado ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here