Myrtle Sarrosa o Myrtle Abigail Porlucas Sarrosa sa tunay na buhay ay isinilang noong December 7, 1994. Nakilala si Myrtle ng ito ay maging Winners sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Big. Si Myrtle ay kasamang bibida sa pelikulang “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na ipapalabas sa mga sinehan ngayong Oktuber 2 hatid ng Regal Films.

imahe mula kay myrtle | Facebook

Kasama ni Myrtle sa nasabing pelikula sina Albie Casino, Tony Labrusca, Jane Oineza at Jerome Ponce, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Kung may pelikula hindi mawawala ang presscon kung saan naitanong sa mga bida ng pelikula kung ano ang “craziest thing” na nagawa niya para sa love,.

imahe mula kay myrtle | Facebook

Ang naging tugon ni Myrtle dito ay ang paggastos niya sa lalaki, na labis niyang pinagsisisihan. Narito ang buong lahad niya;

“The craziest thing I’ve done for love, ano kasi ako e, pag alam ko na may kailangan ‘yung tao gumagastos talaga ako para sa kanya.

“So, ‘yung craziest thing na nagawa ko was lahat ng gamit sa mobile game, lahat binili ko para sa kanya sa isang mobile game. Sobrang mahal no’n.

“Ngayon pinagsisihan ko kasi dapat pala sa character ko na lang ginastos ‘yun kung alam ko lang na hindi naman pala kami magkakatuluyan, sayang ‘yung items. Dapat akin na lang pala ‘yung gadgets na ‘yun. ‘Yun lang ang pinagsisihan ko,”

Bukod pa diyan pag-amin din ng dalaga na ilang beses na rin siyang nagmahal at nabigo. Dagdag pa niya sinukuan na niya ang pag-ibig at sa ngayon prayoridad niya ang kanyang karera. Heto ang sambit ng dalaga;

“May times na sumuko na ako kasi pag in a relationship ka there are times na both sides are not happy or hindi na kayo makakatulong sa isa’t isa in the future, sometimes you have to give up,” 

Minsan nasa tao na rin talaga kung saan mo mahahanap ang iyong tunay na kaligayahan. Iba-iba man ang paraan natin upang makamit ang ating sariling kaligayan ang mahalaga wala tayong tinatapakang tao. Mabigo man ng paulit-ulit, tiyak sa bandang huli magmamahal pa rin tayo. Matuto lamang sa mga maling nagawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here