“Bulaklak”, “Kikay” at “Basketbol”, ang mga kantang ito ay ilan lamang sa mga kantang nagpasikat sa pinoy pop girl group na Viva Hot Babes noong taong 2003. Ang Viva Hot Babes ay binuo ng Viva Entertainment founder na si Vicente “Vic” del Rosario noong taong 2003.

Ang naturang grupo ay mayroong 37 na miyebro. Isa sa mga orihinal na miyembro nito ay si Maureen Anne Tupaz Fainsan o mas kilala bilang Maui Taylor na naging usap-usapan ang pagkawala sa mundo ng showbiz.

Si Maui Taylor ay isang sikat na aktres, singer at modelo. 14 years old pa lamang ito noong unang sumabak sa mundo ng showbiz. Una siyang nakita sa telebisyon noong siya ay naging isa sa mga casts ng drama series na ipinalabas sa GMA Network na pinamagatang Anna Karenina. Gumanap rin ang dating aktres sa iba’t ibang TV shows at mga pelikula.

Subalit sa kabila ng pamamayagpag ng kanyang karera, ay bigla nalang wala ng naipabalita tungkol kay Maui. Maraming fans nito ang nalungkot sa pangyayarin at marami rin sa kanila ang gustong malaman ang naging dahilan ng kanyang paglaho sa showbiz.

Ayon sa isang source, isa sa mga kadahilanan ay ang pagpapakasal nito sa DJ-Businessman na si Anton Saberre. Matapos ang kanilang kasal ay binigay ng dating aktres ang kanyang buong atensyon at oras sa kanyang pamilya hanggang siya ay naging isang full-time mommy sa kanyang dalawang anak na sina Atoine Miguel at Matteo Alonzo.

Ayon naman sa isang panayam, “peaceful at contented” na umano ang dating aktres sa kanyang buhay ngayon. “Masaya maging mommy. Naisip ko nga, bakit kung kalian ako nag 32 tsaka ko lang naisip na maging parent pero masaya naman talaga.” dagdag pa niya.

Ikinuwento rin ni Maui kung ano kanyang mga namimiss sa mundo ng showbiz. “Nakakamiss sa showbiz is yung araw-araw nasa trabaho ka. Pero ngayon na mommy na ko, medyo hindi na siguro kakayanin ang ganoon”, banggit pa ni Maui.

Naitanong rin sa kanyang naging panayam kung may plano pa ba itong bumalik sa showbiz at gumanap sa mga sexy role kagaya ng dati. “Bawal na ako, pero pwedeng-pwede ako tumanggap ng mommy roles! Wala namang nagbabawal. Pinapayagan naman ako kung gusto ko mag showbiz ulit.”, sagot ni Maui.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here