Isa sa mga pinakasikat na artista noong 90s si Race Peralejo na ngayon ay Rica Bonifacio pagkatapos itong makapag asawa ng Pastor na si Joseph Bonifacio.

Nakilala si Rica “Ang TV” at “Gimik” at hinangaan sa kanyang galling sa mga teleserye sa ABS CBN kagaya ng Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo and Pangarap na Bituin. Nakasama din sya sa mga sitcoms kagaya ng Palibhasa Lalake, Oki Doki Doc and OK Fine Whatever.

rica peralejo | ig

Sa kabila ng magandang karera sa mundo ng pag aartista, dumating sa punto ng kanyang buhay na napag desisyunan nitong iwanan ang showbiz at sumunod sa kanyang asawang pastor.

Naging malaki ang pagbabago na nagyari sa buhay ng dating aktres, at ito may makikita sa kanyang mga kilos, pananamit, pananalita at pati na ang kanyang mga paniniwala sa buhay at sa Diyos. Sa kanyang social media accounts, makikita ang masayang-masaya si Rica kasama ang kanilang mga anak na si Philip Nathaniel at Manu.

rica peralejo | ig

Hinangaan na naman siya ng mga netizens sa kanyang latest posts dahil sa kabila ng pagiging 40 years old, hindi mababakas sa mukha ang edad nito at mapapansin ang saya at pagiging kontento sa buhay na mayroon sya ngayon kasama ang asawang pastor at mga anak.

rica peralejo | ig

Ayon kay Rica, sa paglipas ng panahon ay lalong dumarami ang kanyang natutunan sa buhay. Isa na rito ang pagiging positibo sa kabila ng mga negatibong pangyayari sa palibot at mga di magagandang komento ng mga tao. Pinipili niyang magpasawalang kibo kapag may mga nag kokomento sa kanilang lifestyle mag-asawa.

rica peralejo | ig

Madalas sa kanyang mga posts sa Instagram, makikita na simple lamang si Rica, sa kanyang pananamit, walang make up, at hindi masaydong nakaayos ang buhok subalit hindi ito napupuna at napapansin ng mga netizens dahil natatakpan ito ng magagandang bagay kagaya lamang ng ngita at tuwa sa mukha ng dating aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo (@ricaperalejo) on


Tumigil man sa pagiging artista si Rica, hindi naman ito huminto sa kanyang pag gawa ng mga bagay na nakakapag papasaya sa kanya ng tunay, at iyon ay ang pagbabahagi ng mabuting balita sa salita ng Diyos at pagiging inspirasyon sa mga nakakarami sa isang simpleng buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here