Kilala mo ba si Deither Ocampo, o Diet? Marahil kung kilala mo sya at naaalala ay masasabi mong isa sya sa mga pinakamagandang lalake sa showbiz dito sa bansa.

Isa sya sa myembro ng grupong “The Hunks”na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bernard Palanca, at Carlos Agassi.

photo credit to diether.awb | ig

Si Deither ay may lahing German, Spanish, at Chinese. Sya ay ipinanganak noong July 19, 1974 sa Aniban, Bacoor, Cavite, kung saan doon din sya nag-aral. Nakapag-aral din sya sa De La Salle University sa Dasmarinas.

photo credit to diether.awb | ig

Bago pa pinasok ng aktor ang showbiz at naging isa syang dancer at myembro ng isang banda na Blow kung saan ay kilala sya bilang si Capt. Mongrel.

Marami na rin ang mga naging proyekto nito sa telebisyon at mga pelikula simula 1993 hanggang sa kasalukuyan. Ilan sa mga latest na palabas nito ay ang Bagani kung saan sya ang gumaganap bilang si Apo.

photo credit to diether.awb | ig

Samantala, bukod sa pag-aartista kapansin-pansin ang pagbabahagi nito ng mga larawan sa kanyang mga social media accounts. Makikita na madalas itong mag-upload ng mga litrato na may kasamang mga kabayo.

photo credit to diether.awb | ig

Marami ang nagtatanong kung ano na ang buhay nito ngayon dahil hindi na rin ito aktibo sa showbiz. Marami ang nagtatanong kung ito ba ay nagamay-ari na ng maraming mga kabayo sa North Polo Club, Pulilan, Bulacan.

Ayon sa ilang report, sumali umano ang aktor sa the Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at ngayon ay isa nang Lieutenant Commander (LCDR) ng PCGA. Ayon din sa mga report, nagtapos ito ng kanyang seafarer’s training noong nakaraang taon na ginanap sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training.

photo credit to diether.awb | ig

Samantala, sa kanyang post sa IG, nagkomento ang isang netizen na abala umano ang aktor sa pagpapakain ng kanyang mga kabayo at hands-on umano ito sa pag-aalaga.

Ibinahagi din ng aktor ang isang video na may caption na “Buhay Pulilan Bulacan” kung saan kasama nya ang mga lalaki na nag-aalaga din ng mga kabayo.

photo credit to diether.awb | ig

Maalalang noong aktibo pa si Deither sa showbiz ay nabanggit nito na pangarap nya na mag-alaga ng maraming hayop at ngayon ay masasabing maaring natupad n anito ang kanyang pangarap. Isa na kaya itong haciendero?

Kapansin-pansin naman na wala parin itong ipinapakilala at ipinapakita na karelasyon pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating asawang si Kristine Hermosa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here