Dating Kapuso aktres at sikat na Starstruck survivor ginulat ang marami dahil sa bago nitong itsura kung saan nagpaiksi ito ng buhok. Samu’t saring komento at reaksyon ang tinanggap ng aktres ngunit lahat ng ito ay sinagot ng aktres ng maayos .

image via ryza cenon | ig

Ang aktres na si Ryza Cenon o sa tunay na buhay ay si Rhiza Ann Cenon Simbulan. Ipinanganak sa Gapan Nueva Ecija noong Disyembre 21, 1987. Ang kanyang ina na si Rosanna C. Simbulan, ay pumanaw dahil sa sakit na kanser sa tiyan noong 1991 nang si Cenon ay tatlong taong gulang lamang. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang isang OFW sa Abu Dhabi, UAE.

image via ryza cenon | ig

Taong 2004, siya ay naging Ultimate Female Survivor ng ikalawang season ng StarStruck ng GMA Network. Napasama siya sa maraming programa kabilang na ang Darna, Ay, Robot !, Majika, Fantastikids, Fantastic Man,Joaquin Bordado, Buena Familia, at Alyas Robin Hood.

image via ryza cenon | ig

Sa taong 2016, si Cenon ay bumida bilang Jewel sa indie film na Ang Manananggal sa Unit 23B. Noong Disyembre 2016, siya ay gumanap bilang Georgia Acuzar-Ferrer sa palabas sa TV na Ika-6 na Utos at naging mas sikat dahil doon. Kalaunan lumipat ito sa kapamilya network at napabilang sa iba’t ibang palagas ng istasyon.

image via ryza cenon | ig

Balikan natin ang dahilan kung bakit nga ba nagpaiksi ng buhok itong si Ryza, ayon sa kanya naglalagas ang kanyang buhok. Sa caption nga ng kanyang Instagram post nakasaad ito;
“Short hair, don’t care. #hairproblem #severehairfall Thank you @lancelot_rage for saving my hair.”

Nagpasalamat pa nga ang dalaga sa nag-ngangalang lancelot dahil sa pagsagip sa kanyang buhok.

image via ryza cenon | ig

Samantala maraming komento at iba’t ibang opinyon ang nakasaad sa comment section ng kanyang post. Nariyan ang;
Ganon po ba un? Pag sobrang daming hairfall po? Makkatulong po ba yung mag paliit ng buhok para ma lessen yun? Ask lang po. Dami ko din kase hairfall. Minsan iniisip kong magpakalbo nalng po e.”

Ito naman ay kanyang sinagot ng “yes po”..

Ikomento lamang sa ibaba ang opinyon mo sa ginawang ito ni Ryza Cenon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here