Ang kasikatan ay isang bagay na gustong makamtan ng karamihan. Kaliwa’t kanang oportunidad ang inyong  matatanggap kapag kayo ay sumikat. Kasama na rin roon ang pagkakaroon ng maraming taga-hanga at pera para bilhin ang mga bagay na hindi nabibili ng isang ordinaryong tao.

photo by nadinesamonte | ig

Totoo namang napakaraming benepisyo ang natatanggap ng isang taong sikat, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may iilan parin na mas pinipiling mamuhay ng simple lamang.

photo by nadinesamonte | ig

Gaya na lamang ni Nadine Burgos Eidloth-Chua, o mas kilala bilang Nadine Samonte. Isa siyang dating aktres at commercial model. Unang nakilala si Nadine noong siya ay naging Avenger sa first season ng Starstruck ng GMA Network. Napasama rin siya sa iilang pelikula gaya ng “Enteng Kabisote”, “Hari ng Sablay”, “Ang Exorsismo” at iba pa.

photo by nadinesamonte | ig

Subalit sa kabila ng pamamayagpag ng kanyang karera, napagdesisyunan nyang iwanan ang mundo ng showbiz. Maraming tao ang nagpumilit sa kanya na bumalik sa industriya subalit hindi na nagbago ang isip ni Nadine lalo na noong ipinagbuntis niya ang kanyang unang anak.

photo by nadinesamonte | ig

Sa ngayon, happy and contented na si Nadine sa piling ng kanyang asawang si Richard Chua at dalawang anak na sina Heather Sloane at Austin Titus.

Sa isang video naman na ibinahagi ni Richard sa kanyang Instagram account, makikitang nag-eenjoy si Nadine sa paglalaba ng kanilang damit. Bukod pa roon, makikita ring tinuturuan nyang maglaba ang kanyang panganay na anak na si Heather.

photo by nadinesamonte | ig

Ayon kay Nadine, 11AM na noong sila ay natapos sa paglalaba, “at 11am natapos din kami haha sa dami nyang nilabhan namin ah😅 at ang kulit ni Heather lumublub na din sya at kaya hiwahiwalay ang damit dahil hinahabol namin si mister sun🌞“

photo by nadinesamonte | ig

Nageenjoy talaga si Nadine sa bawat minutong kasama niya ang kanyang pamilya, at isa rin ito sa naging rason kung bakit napili niyang iwanan ang mundo ng showbiz. “Yes i love washing and ironing and cleaning mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsn our kids follow what we do. That’s the reason din kung bakit wala ako sa showbiz im enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam ❤ i love doing anything for them❤ ❤ ❤” sabi ni Nadine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte) on

Dito makikita na hindi matutumbasan ng anumang kasikatan ang sayang naidudulot ng isang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here