Si José Acuña Bautista Sr., na kilala bilang Ramon Revilla Sr. o simpleng Ramon Revilla ay isang artista at dating Senador ng Republika ng Pilipinas. Kilala siya bilang “Hari ng Agimat” sa mga pelikulang Pilipino.

Ilan sa kanyang mga anak ay naging mga kilalang personalidad sa matapos sundan ang kanyang yapak bilang artista at pulitiko, partikular na diyan si Bong Revilla Jr na kasalukuyang senador ng ating bansa.

Ngayon araw na ito labis ang dalamhati ng showbiz industry dahil na rin sa pamamaalam ng beteranong aktor. Ito naman ay kinompirma ng kanyang anak na si Senador Bong sa kanyang Facebook Page.

“Wala na po tatay ko. Wala na po tatay ko (My father is gone). Please pray for him,” – Maluha-luhang sambit ni Senador Bong.

Ang ikinasawi ng aktor ay heart failure, matatandaang matagal na itong may karamdaman ngunit patuloy na lumalaban at nanatiling masigla.

Ang mas matandang Revilla ay nagsilbing senador mula 1992 hanggang 2004. Siya rin ay isang award-winning na aktor na pinakilala sa kanyang mga tungkulin sa pelikula na sina Nardong Putik at Pepeng Agimat.

Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming mga detractors, nakilala ni Senador Ramon Revilla Sr. ang kanyang panunungkulan sa senado bilang may-akda ng ilang mahahalagang panukalang batas. Siya rin ang nanguna sa panukalang “Revilla Bill” kung saan tuluyan itong naisabatas noong Pebrero 2004.

Sa nasabing batas ay nagsasaad na “Ang mga iligal na bata ay maaaring gumamit ng apelyido ng kanilang ama kung ang kanilang ugnayan ay hayagang kinikilala ng ama sa pamamagitan ng pagsulat nito sa birth certificate ng bata o kapag ito ay may katunayan o sulat-kamay na ginamit bilang instrumento ng kanyang ama.”

“Ang bata ay hindi dapat magdusa sa stigma ng kanyang labag sa batas,” ang Revilla Sr.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here