Ang pagkakaroon ng isang simple at pagiging kuntento sa buhay ay isa din sa mga susi ng pagkakaroon ng isang masayang pamilya. Ito rin ang isa sa mga kadahilanan kung bakit ginusto ng ilang mga celebrities na magkaroon ng isang simple at mapayapang buhay sa kanilang pamilya na malayo sa ingay at mapanghusga na mga tao.

Isa na nga rito ang sikat na artista na si Jennica Garcia Uytingco na mas pinili na lumayo sa limelight taong 2004 at mas pinili na lamang magpokus sa pag-aalaga sa kaniyang unang anak at sa kaniyang asawang aktor na si Alwyn Uytingco.

Bukod pa doon, abala rin si Jennica sa pamamahala sa kanyang negosyo na nagawa niyang mapalawak habang hinahanap.

Ilan sa mga business ni Jennica ay ang kaniyang ukay-ukay, plant shop, at parenting emporium na kung saan ay nagbabahagi siya ng ilang mga paraan kung paano mapapangalagaan ng mga ina ang kanilang sarili pagkatapos manganak at ilang mga impormasyon at tips sa pagiging healthy habang nagbubuntis.

Maraming mga netizen ang humanga kay Jennica dahil nagawa niyang hawakan nang maayos ang kanyang negosyo habang inaalagaan niya ang kanyang pamilya.

Si Jennica din ang gumagawa ng ilang mga gawaing bahay tulad ng paglalaba ng mga damit ng kaniyang anak nang mag isang taon ang kaniyang unang anak na si Athena Mori. Nais din ni Jennica na maging tutok sa kaniyang mga anak at hindi naging hadlang ang kaniyang mga business dito. Si Alwyn naman ay todo suporta sa mga bagay na ginagawa ng kaniyang asawa.

Napili naman ng aktres na gawin ang isang parenting talk ng sa gayon ay makapagbigay o makapagbahagi siya ng ilang mga tips at impormasyon sa mga magiging nanay na nais na manganak sa pamamagitan ng natural birth.

Ang kaniyang ina naman na si Jean Garcia ay talagang proud at hinahangaan siya dahil sa kaniyang tiyaga at sipag na ginagawa sa kaniyang pamilya.

Source: Showbiz Artista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here