Alam naman nating lahat na si Andi Eigenmann ay ang isa sa mga pinaka-sikat na aktres sa mundo ng showbiz. Sa katunayan, si Andi ay anak din ng batikang aktor at aktres sa industriya na ang Ama niyang si Mark Gil at Inang si Jackyln Jose.

Mas lalong nakilala si Andi Eigenmann nang magkaroon siya ng teleserye at pelikula sa Kapamilya network. Gumanap bilang lead role sa “Agua Bendita”, “Minsan Lang Kita Iibigin” kasama si Coco Martin at Maja Salvador.

Ngunit, sa kabila nang lahat ng ito may isang balitang nabuntis ‘di umano si Andi Eigenmann ni Jake Ejercito ay yun ay ikinagulat nang lahat. Hindi nagparamdam ang aktres nang halos ilang taon at ipinanganak nga niya ang kanyang panganay na anak kay Jake.

Pero, hindi nagtagal nagkahiwalay din ang mga ito.

At ngayon naman ay nakilala niya si Philmar Alipayo siya ay isang simpleng naninirahan sa Siargao ngunit ang hindi alam ng lahat si Philmar pala ay isa sa mga pinaka-mahusay na manlalaro ng surfing sa buong mundo, naging champion ito sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Andi nagustuhan niya si Philmar hindi dahil sa hugis ng katawan nito o looks at antas ng buhay nito. Bagkus, ang mas higit niyang nagustuhan ay ang pagiging simple nitong tao pero may pangarap sa buhay, maalaga at makulit kasama.

Maituturing na parang fairytail ang kanilang love story, na nainlove ang prinsesa sa isang makisig na binata na naninirahan sa tabing isla.

Samantala, ayon sa isang report ng ABS-CBN News. Inamin ni Andi Eigenmann na hindi naging madali ang desisyon niya na manirahan sa isla ng Siargao kung saan nakabase ang kanyang kinakasama ngayon na si Philmar Alipayo.

Sa panayam ng “Anong Ganap?” ng Viva TV, ibinahagi ni Andi ang mga pinagdanang pagsubok noong nagsisimula pa lang siyang mamuhay sa isla.

“I’ve been living here for almost two years now, and at the beginning, even if ayun nga like what I said, pangarap ko, pinagarap ko talaga na tumira sa isla, hindi siya naging madali. I still had to adjust some ways, especially I didn’t have a family here, I don’t have my mom or any of my siblings and best friends. Minsan-minsan lang naman silang nakakapunta dito so in that sense naging mahirap siya,” ani Andi.

Pero giit ni Andi, malaki ang pasasalamat niya sa nobyong si Philmar na tinulungan siya para maging madali para sa kanya na simulan ang buhay sa isla.

“I’m so thankful that I have Philmar. I didn’t move here by myself. So ‘yung culture shock kahit papaano nu’ng simula, si Philmar natulungan niya ako na makapag-adapt. And besides, I really enjoy their way of life, their way of life here. So ayun, I feel like bagay naman ako,” dagdag ng aktres.

Si Lilo ay ang anak ni Andi kay Philmar, samantalang si Ellie ay anak ng aktres sa dating nakarelasyon na si Jake Ejercito.

{Source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here