Kung naalala pa ninyo ang sikat na Dance group noong 90’s na Universal Motion Dancer kung saan ito ang kinabibilangan grupo ni Wowie De Guzman, Si Wowie ay isa sa tinitilian ng kapag humataw na dance floor dahil na rin sa angking nitong kagwapuhan at galing sa pagsasayaw hindi nagtagal napasok din nito ang mundo ng pag-arte.

imahe mula kay wowie de guzman | facebook

Nagtuloy-tuloy ang kanyang swerte at nakagawa ng maraming pelikula kung saan nakasama pa nito si Judy Anne Santos bilang kanyang kapareha. Ngunit kalaunan tumigil ito sa pag-arte at nagdesisyun na lamang ito na ituon sa pamilya ang kanyang oras at minsanang pag-sasayaw.

imahe mula kay wowie de guzman | facebook

Masaya ang buhay ni Wowie kasama ang kanyang asawa na si Sheryl Anne hanggang sa isang iglap, taong 2014 sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang mabubuo na sanang pamilya ay nabahiran ng lungkot dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawa makalipas ang ilang araw na pagsilang ng kanilang sanggol na si Alexandra.

imahe mula kay wowie de guzman | facebook

Makalipas ang mahabang panahon, hindi man lamang napabalita ang biyudong si Wowie na nagkaroon ng kasintahan marahil na rin siguro sa kanyang sinapit at labis na pagmamahal sa asawa at anak nito na si Alexandra Rafaella na siyang nagsisilbing inspirasyon niya.

imahe mula kay wowie de guzman | facebook

Labis na hinahangaan ang dating actor-dancer sa kanyang pagiging Ama at Ina kay Alexandra, bihira ang katulad ni Wowie De Guzman at ang kwento ng kanyang buhay ngunit patuloy pa rin siyang naging positibo sa takbo ng buhay. Sa kanyang social media account makikita na ibinahagi nito ang kanyang masasayang oras kasama ang kanyang anak, kaya naman ang mga netizens ay labis ang paghanga sa tulad ni Wowie.

Sa ngayon tuloy pa rin si Wowie De Guzman sa kanyang pagsasayaw bilang Zumba Instructor at paminsan minsan sa mga events ay makikita rin ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here