Promdi ang tawag sa isang taga probinsyang nagawi sa Manila, Ito ang katangian ni Zanjoe Marudo nang una itong tumuntong sa Maynila. Si Zanjoe Marudo ay lumaki sa probinsya ng Batangas kaya naman sana’y ito sa pagiging buhay probinsya.

Naging modelo muna si Zanjoe Marudo bago mapabilang sa bahay ni Kuya o PBB housemates kung saan naging malapit sila ni Bianca Gonzales, at mapatapos ang pagiging bahagi ng PBB naging karelasyon naman nito si Mariel Rodriquez at kalaunan ay naghiwalay din, Naging karelasyon din ng binata si Bea Alonzo at hindi rin naglaon nagkahiwalay din ang mga ito.

Balikan naman natina ng kanyang tips at pagiging buhay probinsyano sa gitna ng quarantine.

Mapapanood sa kanyang YouTube channel o Vlog pagiging natural nito at pamumuhay ng simple sa kanilang probinsya. Makikita sa video ang pag-akyat nito sa mga puno, pamimitas ng gulay, pagluluto at paglalaba ng kanyang damit.

Habang ginagawa nitong maglaba nagbigay ito ng ilang tips kung saang bahagi dapat kinukuskos ang brief.

“Pinag-uusapan namin kung saan dapat kuskusin ang brief, dapat daw sa parteng saluhan ng betlog (sagot ng kasama nitong komedyante) tugon naman ni Zanjoe ay doon nga dapat kinukuskos dahil nandun ang mga vitamins at minerals” pabirong sabi nito.

Umani ng mga positibong komento ang Vlog na ito ni Zanjoe at patuloy namana ng pagtaas ng kanyang subscribers, marahil natutuwa at nasisiyahang panoorin ang kapamilya hunk actor.

Panoorin ang nakakatuwang Vlog ng aktor:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here