Ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu ay isa sa mga pinaka-kontrobersyal na personalidad sa panahong ito na may quarantine saating bansa. Nakatanggap din siya nang iba’t ibang mga bwelta o pambabash sakanya sa social media dahil sa kanta niyang “Bawal Lumabas”.

Maraming tao ang hindi natuwa sa kantang iyon. May mga nagsasabi din na nakakabastos raw ito sa mga OPM Songs, dahil para sa mga netizens ay ang kantang iyon ay wala naman talaga punto o maikatutulong saating bansa.

Hingid sa kaalaman ng lahat, noon lamang Biyernes June 05, ay inirelease na nga ng Wish 107.5 ang viral song niyang “Bawal Lumabas” sa YouTube. Hindi nagustuhan ng karamihan sa mga Pinoy ang pagtungtong ni Kim Chiu sa ‘Wish Bus’.

Ngayong Sabado, June 06, umabot na sa milyong dislikes ang nasabing video habang mayroon namang itong 3,084,280 views at ngayo’t nag Top 1 trending na nga sa YouTube dito sa Pilipinas.

Ang nasabing kanta ay nabuo matapos mag-viral ang naging pahayag ni Kim sa Facebook live event na ‘Laban, Kapamilya’ kung saan tinuligsa siya dahil sa hindi maintindihang paghahambing sa pagpapasara ng ABS-CBN sa batas ng classroom.

Ginawan ito ng remix ni Squammy Beats na agad ding na viral sa social media, hanggang buuin na ito ni Kim Chui at ginawan ng full song.

Karamihan sa nanood ng Wish Bus performance ni Kim ay sinasabing nagtungo lang sila doon para i-dislike ang video.

Sabi pa ng ilang netizen, mas marami pa umanong deserving ka Kim na makakanta sa Wish Bus kaya’t tila insulto umano ito sa ibang musikero.

“There are Singers who deserves more recognition. Real musicians who can really sing well and sound good without the help of autotune but they are underrated. This is an insult for them,” ayon sa Youtube comment ni Rebel na agad namang dinelete ng Wish 107.5 admin dahil ‘di umano ito ay nag boost ang nasabing comment.

“Ang daming talented na singer sa Pilipinas na hindi nabibigyan ng deserve na spotlight at break. Samantalang to ewan. Kawawang Pinas,” giit naman ni Jeff Trajano.

Samantala, patuloy padin ang paglaki ng views sa nasabing video at patuloy padin hanggang ngayon ang pambabatikos ng ilan saating mga netizen.

Ayon pa sa report ng iilan saaming mga sources, Si Kim Chiu nga raw ay maituturing bigtime millionaire na dahil nga sa kantang “Bawal Lumabas” May mga iilan din nagsabi na ang perang kinita nito ay nang gagaling sa YouTube at Facebook.

Panoorin ang video:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here