Marami sa mga artista o celebrities, at mga sikat na personalidad ang nagnanais na manirahan sa ibang bansa dahil sa iba’t-ibang kadadahilan. May iba na gustong mag-aral sa ibang bansa, ang iba naman ay nais na magtrabaho doon at magkaroon ng mas magandang buhay.

Dahil na rin sa napakaraming pangayayari sa bansa na hindi maganda, maraming Pilipino ang nangangarap na mangibang bansa para magkaroon ng tahimik at maunlad na buhay na malayo sa gulo ng politika, malayo sa kahirapan, at sa mga kalamidad.

Samantala, kamakailan lamang ay nagtungo na din sa ibang bansa ang mag-asawang si LJ Moreno at ang kanyang asawang basketball player na si Jimmy Alapag. Nagtungo ang kanilang buong pamilya sa Amerika upang doon na manirahan.

Hindi umano naging madali ang kanilang buhay doon dahil malaking adjustment ang kanilang ginawa lalo pa at nahuli ang pagdating ng kanilang mga kagamitan doon sa Amerika na bumyahe pa galing Pilipinas.

Naranasan umano nila na sa mattress lang natutulog kaya naman labis ang kanilang tuwa noong dumating na ang kanilang mga gamit.

Nawala ang stress at pag-aalala ng mag-asawa noong natapos na din ang kanilang pag-aayos ng bahay sa Amerika. Nahirapan din sila na pagkasyahin ang kanilang mga gamit sa kanilang bahay ngunit nagawan din naman nila ng paraan at natuwa sa kinalabasan ng kanilang pag-aayos.

Samantala naenjoy naman ng buong pamilya nina LJ at Jimmy ang kanilang unang Halloween sa Amerika. May mga naging kaibigan na din sila sa kanilang mga kapitbahay.

Malaki ang pasasalamat ni LJ sa Diyos dahil nap ag-gagabay at pag-iingat sa kanila sa bagong yugto ng kanilang buhay ngayon sa ibang bansa.

“Just when I thought our lives planned out, God decided to make drastic change. This season has had a lot of ups and downs but God has definitely changed my heart and given me peace with our decision”.

Nabanggit din ng dating aktres na tahanan pa din ang Pilipinas sa kanila na maaring balikan kapag nais nila. Ngunit sa ngayon ay kuntento at masaya na sila sa kanilang naging desisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here