Isa sa mga prestihiyosong paligsahan sa pag-awit ang Tawag ng Tanghalan. Ito ay mga mga bihasang mga hurado kaya’t hindi basta-basta ang makapasok at manalo sa nasabing patimpalak. Marami na ang mga hinirang na kampeon sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, mayroong mga artista at may mga non-celebrity winners.

Sa tulong ni Vice Ganda, isa sa mga naging kalahok ng Tawag ng Tanghalan na si Angelie o mas kilala bilang Lie Reposposa, ay nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang kahilingan na makapasok sa Bahay ni Kuya. Naging housemate ito sa PBB.

Noong sumali si Lie sa Tawag ng Tanghalan, siya napakasimple laman manumit at kahit sa pananalita nito ay parang napaka inosente nito. Mapapansin din ang pagiging masayahin nito at pagiging kwela.

Pagpasok nito sa Pinoy Big Brother house bilang si Lie ang Teenig ng Tawanan ng Davao, ay doon pa nagpakita ng personalidad ang dalaga. Siya ay palakaibigan, mabait, masipag, masiyahin at marunong makisama sa mga kapwa nya kalahok sa Bahay ni Kuya.

Si Lie ay taga Tagum City, Davao at madalas na sumali at manalo sa mga singing competitions. At dahil laki sa probinsya, simple lang manumit si Lie at hindi gumagamit ng mga kolorete sa mukha. Subalit pagkatapos ng ilang buwan na pamamalagi sa Bahay ni Kuya, ay nagkaroon ito ng transformation.

Sa mga latest posts ni Lie sa kanyang IG, mapapansin namalaki na ang ipinagbago nito sa pananamit. Kung dati ay simpleng kasuotan lang ang ginagamit, ngayon naman ay makikita na syang sumusuot ng mga seksing damit.

Marunong narin itong mag ayos pa lalo ng sarili upang maging mas maganda ang mukha, kagaya ng paglalagay ng make up sa mukha, pagpapaayos ng buhok, at pagsusuot ng mga usong damit.

Kapansin-pansin din ang pagiging maputi nito at pagiging slim na ng kanyang dating chubby na katawan. Marahil lalo pang dadami ang mga fans nito dahil sa pisikal na pagbabago sa kanya. Bukod sa pag-awit ay nakikitaan din ng potensyal si Lie sap ag-arte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here