Sa panahon ngayon, ang pagbibigay ng bulaklak ay simbolo ng pagpapakita ng pagmamahal o pagpapasalamat sa isang kaibigan o mga mahal sa buhay. Noon pa man, ito na ang naging paraan ng karamihan sa kadahilanang ito ay nakakatulong sa pagpapahayag ng kanilang emosyon.

Talaga namang masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng bulaklak galing sa taong iyong manamahal. Ngunit ngayon, may iilang tao pa rin na gustong maging praktikal at sa halip na bulaklak, ay mas gugustuhing makatanggap ng pagkain o bagay na mas mapapakinabangan.

Sa katunuyan, viral ngayon sa social media ang isang larawan na ibinahagi ng surfer na si Philmar Alipayo. Sa larawang ito, makikitang nakaupo si Philmar kasama ang kanyang girlfriend at dating aktres na si Andi Eigenmann. Sa naturang larawan, makikitang masayang nakangiti si Andi na may hawak-hawak na pechay.

Sa Instagram post na ito ni Philmar, sinabi niyang, “Ato first pic! Remember i give you pichay instead of a flower mingaw nako sa imo mahal ko”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on


Samo’t sari namang mga papuri ang kanilang natanggap mula sa kanilang mga taga-hanga dahil makikita talagang napakasweet ng magkasintahan. Bukod pa roon, kahit na simple lamang ang kanilang pamumuhay, makikitang tunay silang nagmamahalan at hindi rin maikakaila kung gaano sila kasaya..

Nag-iwan rin ng komento si Andi sa post ni Philmar, “Ive been looking for this pic you said nawala!”, komento ni Andi. Marami rin ang makikitang “heart emoji”, “sana ol” at paghanga sa comment section ng post ni Philmar.

Sa karamihan, talaga namang totoong nakakakilig ang mabigyan ng bulaklak. Ngunit kahit ganoon pa man, hindi ito sukatan o basehan ng isang pagmamahal. Mas lalong naipapadama ang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagrerespeto.

Katulad nalang ni Philmar, makikitang nais niyang alagaan si Andi, sa halip na bulaklak ay petchay ang kaniyang ibinigay dahil alam niyang makakabuti ito sa kalusugan ng girlfriend.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here