Isang mahusay na aktor at tunay na namamayagpag ang karera sa pagkanta. Si Rhap Salazar ay dating kampeon ng “Little Big Star” ng ABS CBN. Ang kanyang pagkapanalo ay nagbigay sa kanya ng maganda karera sa industriya. Siya ay naging 13th World Championship of Performing Arts sa kategoryang Junior Grand Champion Performer of the World at sa Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World. Naging 1st place din sa Awit Awards “Best Performance by a New Male Recording Artist”, noong 2010.

Makalipas ang ilang taon ay bihira ng lumabas ang aktor/singer sa mga programa sa TV, subalit aktibo parin sa kanyang mga social media accounts. Patuloy parin ang pagsuporta ng kanyang mga fans.

Noong Pebrero, naging usap-usapan ang pag post ni Rhap sa Instagram ng kanyang larawan na may kaakbay na lalaki. Sa unang pagkakataon ay inamin ng aktor/singer ang tunay na estado ng kanyang buhay-pag ibig na umano ay tunay na nagpapasaya sa kanya. Subalit sa nais nito ng mas pribadong buhay, ay minabuti nitong huwag munang ipakilala ang lalaki.

Noong June 29 ay muling nagbahagi ng larawan si Rhap na muling kasama ang lalaki na tinatawag niyang “special person”. Ayon sa kanyang caption sa litrato sa Twitter at IG post, “All people should be treated equally, regardless of who they are and who they love. Life gets better together. Happy Pride!”

Kumpirmado na ang lalaki ay non-showbiz partner ngayon ng aktor/singer. Bakas sa mukha ni Rhap ang saya at pagiging proud na ipaalam sa netizens ang estado ngayon ng kanyang lovelife. Suportado naman ito ng kanyang mga fans at sila ay mas lalong humanga sa angking tapang at pagpapakatotoo ng aktor/singer sa kanyang tunay na pagkatao sa kabila ng mga kritisismo na maaring ibato sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here