Ang Starstruck alumna na si Rich Asuncion ay nagbahagi ng kanyang kwento tungkol sa kanyang pagtatrabaho sa Australia bilang isang waitress matapos iwanan ang career sa showbiz dito sa bansa.

Lumipat si Rich kasama ang asawang si Benjamin Mudie at ang kanilang anak na si Isabella sa Australia nitong kasagsagan ng COVID-19. At sa kanyang Instagram post, “Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo at sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot. Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya. Lalo pa at nag-adjust palang ako dito sa Australia.”

Nung umpisa ay nahirapan umano si Rich na maghanap ng trabaho ang aktres subalit sa napakarami ang oportunidad, kalaunan ay natanggap din sya sa kanyang inaplayan.“Di na ako nagpaka-choosy, sinubukan ko na ang pagwi-waitress,” banggit niya.

Inamin ng artista na noong una ay nahirapan pa siyang tanggapin ang ganitong trabaho. Subalit kalaunan ay tinanggap niya ito dahil wala namang mali umano sa pagiging isang waitress.

“Narealize ko ngayon, ano naman ang masama dun. Part pa rin naman siya ng Tourism course na kinuha ko sa UP. At wala akong karapatan maginarte kasi nabigyan ako panibagong chance to start a new,” dagdag pa niya.

Idiniin ng artista na ang malagpasan ang pandemiyang ito ay isa nang pagpapala; “be grateful because some people have lost more than you already have.”
Maliban dito, nag-post din ng mga larawan si Rich kung paano niya tinatamasa ang bagong buhay kasama ang asawa at anak.

“Sa ngayon ay tanggap ko na at masaya na ko sa bago kong buhay kasama ang aking pamilya… I was offered a full-time job at a Daycare where I can work closely with Bela. Ben and I have also put down a reservation for our future home here in Australia. What a blessing!” ipinahayag niya.

Matatandaang naging First Princess ng Starstruck: The Next Level at nag first runner-up din sa Binibining Pilipinas 2009 si Rich.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here