Sino-sino ang mga artista at kilalang mga personalidad ang alam mong “certified plantito”at “certified plantita”?

Alam nyo ba na sa bansa lang nagmahal ang mga pananim na halaman dahil sa naging usong-uso ang pagtatanim ngayong pandemya? Mapa-bulaklak man, gulay, indoor plants, succulents, at iba pa, Malaki ang naitulong ng paghahalaman sa karamihan sa atin.

Isa na ang dating sikat na sikat na aktor na si Richard Gomez na ngayon ay mayor na ng Ormoc City. Kamakailan lang ay ibinahagi nito ang kanyang tanim na gulay na pechay na napakayabong at fresh na fresh.

Marahil ang pagtatanim ng gulay ay isa sa mga survival solutions lalo na ngayong panahon na nagmahalan na ang mga bilihin at hindi na ligtas ang paglabas ng bahay kahit na sa pagpunta sa palengke. Mainam na mayroong vegetable garden kung saan maari ka lang manguha at mamitas ng iyong gugulayin.

Samantala, kahit na may kakayanan naman na makabili ng pangangailangan mas minabuti din ni Mayor Gomez ang pagtatanim ng mga gulay kagaya ng pechay. “Pechay from our backyard garden to the kitchen”, caption nito sa kanyang pagbabahagi ng kanyang itinanim na pechay.

Pagkatapos na i-harvest ang mga tanim na pechay ay ibinahagi ni Mayor Gomez na ito ay gagawin nyang pechay guisdao. Ilan din sa kanyang mga sangkap na ginamit katulad ng kamatis, ay nanggaling din umano sa kanyang vegetable garden.

Maaring hindi pa nasusubukan ng iba ang pagtatanim, ngunit kapag Nakita mo ang halaga nito, mas lalo mo pang maeenjoy ang pagtatanim.

Hindi na rin mahirap ang pagpapatubo ng mga pananim ngayon dahil tag-ulan na rin. Kailangan lang ng tyaga at sipag upang mapalago ang halaman at sa huli ay mapakinabangan. Maari mo itong gulayin, at nakakasiguro kang malinis at preska ang iyong mga gulay, walang halong kemikal.

Tamang diskarte lamang ang ating kailangan sa panahon ng krisis at pandemya. Kaya maglaan ng oras sa paghahalaman at sa mga bagay na makabuluhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here