Isa sa mga sikat na actor si Robinhood Ferdinand Carino o mas kilala sa kanyang screen name na Robin Padilla.

Mas tumatak sa mga tao ang bansag na kanya na “bad boy”dahil sa kanyang mga roles na ginampanan sa mga pelikula at mga palabas sa telebisyon. Kadalasang ipinakita ang kanyang galing sa martial arts, at pag-arte. Bukod sap ag aartista ay naging director, producer, at screenwriter na din si Robin.

photo credit to robin padilla | ig

And 50 taong gulang na tao ay mas lalo pang hinangaan at sinubaybayan ng mga tao noong naging asawa ito ng magandang artista at host na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae na sina Isabella, at Gabriella. Kamakailan lang ay nagpost  si Robin ng isang video kung saan ay makikita ang aktor na naglalagare ng kahoy upang gamitin sa pagtayo ng kanilang munting hardin. Samantalang naging abala naman sa pag-aayos ng paso, lupa at halaman ang mag-ina na sina Mariel at Isabella.

photo credit to robin padilla | ig

Dayap, okra at siling labuyo ay iilan lamang sa kanilang mga halaman. Tuwa at kagalakan naman ang makikita sa mukha ng aktor sa naging resulta ng kanilang pagtutulungan.

Pinatunayan ng pamilya ng actor na hindi imposible ang magpatayo ng isang simple at maayos na “green house”sa loob mismo ng isang tahanan. Makikita ang payak ngunit napakasayang pamumuhay ng pamilya ni Robin.

photo credit to robin padilla | ig

Sumikat man bilang “bad boy, ipinamalas ng actor na siya ay isang mabuting halimbawa sa mga ama. Hindi lamang mga nanay o mga babae ang pwedeng magtanim, kayang-kaya din ng mga tatay kagaya ni Robin.

Ang paghahalaman ay isang mainam na pamamaraan upang makapag handa para sa mga bukas na darating lalo na’t may krisis ngayon sa ekonomiya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Habang mapapanatiling matatag naman ang isang pamilya sa papamagitan ng pagtutulungan sa kahit anong sitwayong kinahaharap nito lalo na sa panahon ng pandemya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here